GnL 2 - Ch. 2 ~ The Who's

3.8K 48 6
                                    

Chapter 2

Buong lakas kong tinulak ang pinto ng auditorium. Madilim pa sa loob kaya hinanap ko ang switch sa gilid.

Pero bago ko pa mahanap, nag-ilaw na ang sa bandang stage.

At lumantad ang kagwapuhan ng isang nilalang!

Nakaupo ito sa harap ng piano na nasa pinakagitna na parte ng stage. Tanging spotlight lang ang nakailaw sa kanya.

But nevertheless, kitang-kita ko pa rin ang kagwapuhan ng walanghiyang nilalang na ito! Sa tuwing nakikita ko siya, di ko mapigilan manghinayang! Isa siya sa mga dahilan kung bakit nagkakaglobal warming ang mundo! >,<

Kasalukuyan nitong tinutugtog ang isang emo na kanta. Tsk! >,<

“Natulala ka na naman. Tss. Ang gwapo ko talaga.” Gising niya sa lumilipad na utak ko.

Napailing na lang ako habang lumalapit sa kanya. Pumanhik na ko ng stage para makutusan siya ng bonggang-bongga!

“What brought you here so early?”

“Princess, is that your way now of greeting?”

I just rolled my eyes on that remark. Naku! Tong taong to talaga! >,<

“No.”

“No? Then why don’t you welcome me instead? A hug will do, pati kiss! Hahaha!”

“Marcus Theodore!! Your brain is flying like a UFO!!!”

“Tss. Basag yun ah! Kompletong pangalan ko pa talaga! Nilalambing ko lang naman ang prinsesa eh. Namiss kita! Lika dito!”

Namiss ko rin naman to eh. Sobra. Lumapit ako sa kanya to give him a hug. It’s been a long time ago since napauwi ito dito.

“Laki na ng prinsesa ah. “ sabi nito sabay bitaw sa yakapan namin. Napangiti naman ako. Wala pa rin siyang pinagbago.

“Syempre. 18 na kaya ako. Dalaga na, maganda pa!”

“Maganda? Sigurado ka?” he remarked then grinned.

“Marcus!!!” tili ko. Ito talaga yung lagi nyang pang-asar sakin eh! Di na talaga to nagbago!

“Oh hindi na. Sige na maganda kana!”

“Shet! Pilit na pilit ah.” Simangot ko sa kanya.

“Hey. Don’t cuss. A fine lady doesn’t cuss.” Marcus sabay gulo ng buhok ko.

“I’m not a fine lady. Well, actually.. err.. atleast in your eyes, you know who I am. Who we are..” sabi ko sabay kibit ng mga balikat.

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon