GnL 2 - Ch. 63 ~ Second Night (Part 13)

1.6K 41 8
                                    

Chapter 63

*LATER ON - NIGHT SCENE*

Eunice’s POV

Nakaupo lang ako sa tabi ng dalampasigan. As usual, nagbobonfire lang yung iba sa amin. Nagjajamming. Nagkakantahan. Lokohan, kwentuhan, kainan at kung ano ano pa. Second night na namin to. Pero ako? Dito lang muna sa tabi, magmumuni-muni.

Ako kasi yung tipo ng taong masaya sa panlabas, laging nakangiti pero deep inside, wala eh. Empty. May hinahanap-hanap. May sobrang namimiss.

Pabuntung-hininga akong sumulyap sa hawak kong cellphone.

Wala pa rin siyang text. Di na ba niya ko naaalala? Kumusta na kaya siya?

Napasinghap ako nang maramdaman ko ang malamig na samyo ng hangin sa mga pisngi ko. Kanina pa ko nilalamig dito. Panay na rin ang haplos ko sa braso ko para uminit man lang ang balat ko. Pero bakit nga ba di ko magawang pumasok na lang sa loob o di kaya’y makipagkulitan na lang sa iba?

Bakit mas pinipili kong hintayin ang tawag o text NIYA?

Ganun na ba ko kadesperada? Ganun na ba ko kalala sa pagiging sawi? Hayyyst.. Bakit kasi natutunan ko pa siyang mahalin gayong wala naman palang kapupuntahan yung relasyong meron kami.

And now, I miss him so much.. so much that my heart is going to break. I want to be with him. I want to hug him. To be close with him. To be held by his warm hand. To be kissed by his lips. To be his girl.

I NEED HIM TO STAY WITH ME.

Because I can’t stand the coldness. Hindi ng literal na lamig na nararamdaman ko ngayon kundi yung isipin na unti-unti na siyang nawawala sa buhay ko. At ayokong mangyari yun! Hindi ako papayag! Hinding-hindi talaga. Gusto ko na siyang makita at makausap. Di ko na matiis lahat ng thoughts sa utak ko. Siguro nga, nagmamahal lang ako. At siguro nga, kasama sa pagmamahal na yun ang pagiging baliw. Tumingin ako sa phone ko at walang ano-anong naispeed dial ko ang number niya.

Finally, may sumagot. My heart skips a beat.

“Hello?” sabi sa kabilang linya. Oh God knows how much I miss that huskiness in his voice. It seems na nagising ko ata siya. Sabagay, anong oras na ba? Well, gusto ko lang naman marinig ang boses niya. 

“Hi.” Tipid na sagot ko.

“Yes, Nicole.

Nag-iinit ang mga mata ko nang marinig ko ang pangalan ko. He's fond of calling me Nicole. It’s been quite a while and nothing really changes with what I really feel towards him despite everything happened.

“Did I disturb you?” tanong ko.

Narinig ko ang ilang kaluskos mula sa kabilang linya. Marahil bumangon ito mula sa kama.

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon