GnL 2 - Ch. 49 ~ First Night (Part 7)

2.7K 38 7
                                    

Chapter 49

Nakupo, ilang oras na akong late sa game. 20 minutes na since nag start ang game at ako eto, kalalabas ko pa lang sa classroom, pano ba naman kasi...

*kanina*

“Everyone, please pass your book review.”

“Awww.” Ungot ng mga kasama ko sa room na to. “Miss, kahapon niyo lang po sinabi, it’s impossible na makagawa kami ng book review para doon.”

Napatingin ako sa kaklase kong babae. Impossible? Bakit ako nakagawa ako?

I passed my paper at lahat sila natahimik, including our teacher.

“Pssh. Palibasa, nerd. Manang. Boring na walang social life kaya nakagawa ng book review.” Sabi ng kaklase kong babae, yung kaninang nag rereklamo, as far as I remember, Becca is her name.

“See? Sinong nagsabi na impossible. You guys just need a self motivation para matapos ang mga requirements.”

“Miss, isn’t it unfair? It’s already a vacation pero we still need to make such requirements.”

“No it’s not unfair, para sa inyo naman iyon. Since you’re all part of the school’s pride, you really need to comply with the requirements.  Besides, may party naman na para sa inyo lang.”

“That is the only good thing with this extended school days Miss.”

“Party person ka talaga Becca.” Kantyaw ng iba naming kaklase sa kanya.

“At least I’m not boring, a nerd and a manang.”

Hindi ko na lang siya pinansin at yumuko na lang ako para itext si Flame na mukhang malelate ako.

“Since Ms. Navarro is the only student who passed the book review, Miss Navarro, would you mind to share something about your book review?”

“Miss?” tanong ko dahilan para hindi ko matuloy isend yung text ko kay Flame. Patay na, nakapag promise pa naman ako! O.o

---

*Ngayon*

Tumakbo na ako sa dug out dahil alam kong nandun sila dahil nga halftime break na.

Tumayo ako sa labas nun for awhile, catching my breath while holding a litter of Gatorade.  This is Flame’s favourite tuwing mag babasketball sila.

I was about to knock nang biglang lumabas na ang mga players dahilan para tumabi ako sa isang gilid. I was about to follow them nang bigla akong makarinig ng malaks na bang sa loob ng kwarto.

At agad na niluwa si Flame na masama ang timpla ng muka na halos ibato na yung towel na hawak niya.

“Flame.” Tawag ko sa kanya at doon ko lang nakuha ang atensyon niya. Grabe! Ang liit ko pala para di niya mapansin, hanu? :(

Tiningnan niya lang ako blankly. Is he mad?

“Flame I’m sorry I’m late. Kasi si Miss…”

“Yaan mo na.” sabay walkout pero hinabol ko siya. Ayoko naman makitang ganito si Flame.

“Wait up. Let me explain.”

“No need.” Pag babalewala niya.

Hinarang ko siya at inabot sa kanya yung Gatorade na hawak ko.

“Look, I’m sorry. Nandito naman ako, I’ll support you. I’ll scream ‘til my heart’s content. Just please, don’t be mad at me.”

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon