GnL 2 - Ch. 65 ~ Second Night (Part 15)

1.5K 41 4
                                    

Chapter 65

Mars’ POV 

Ayun. Tapos na ko tawanan si Novy. Hahahaha! Ang engots kasi ng babaeng yun. Ang laki nung bato sa harap niya, di pa nakita! I therefore conclude na di lang siya slow, bulag pa siya! Wahahahaha! XD Anyway hiway broadway, kumusta naman ang atmostphere ditey sa labas? Ayun. Medyo nakahinga na rin ako ng maluwag. Atlast! Nagising na rin ang nagtutulug-tulugang babaitang Eunice na may pagkatanga. Akalain mo ba naman susuungin niya ang dagat ng nakajacket. Lakas tama mga dre! May saltik! Mamaya sakin yung babaeng yun!

Di niya alam kung ilang milyong kaba ang inabot ko. I even cried my eyes out nang dahil sa nangyari sa kanya kanina. Asan na ba katinuan ng babaeng yun at nagawa ang bagay na yun? Ansarap talaga niyang ilublob sa tubig at tuluyan nang lunurin!

Aish!!! -_- Pero don’t get me wrong.

INIS LANG AKO KASI MASYADO KO SIYANG.. NAMING MAHAL. 

Isa na siya sa mga taong naging parte ng araw-araw na buhay ko. Mababaliw siguro kaming mga RP’s pag may mangyaring di maganda sa isa sa amin.

Muntikan ko na talagang tawagan si Papa sa States. Di ko alam kasi gagawin ko kanina. Pakiramdam ko lalabas na yung puso ko sa sobrang takot. I’m sure ganun din ang nararamdaman nila Novy, Zia at.. TEKA!!!! BAT WALA SI MIEL???

BAT WALA SI MIEL????

Inisip ko yung mga taong andito kanina nung maganap yung gulo. Sheeet. Wala si Miel ah. Asan kaya yun?!

Ahh.. baka nasa loob lang ng bahay.. baka nakatulog.. baka di nainform.. walang tumawag.. walang nagtext sa kanya na ang isang kaibigan naming ay kamuntikan nang malagay sa kuko ni Kamatayan at ng wala siyang kaalam-alam! Nakuuwww. Isa pang tatamaan yun sakin! Mga moment na ganito, dapat walang ni isa man ang makamiss!!!

Again, huminga ako ng maluwag.

Ayos na ko.

Kung kanina, iyak ako ng iyak dahil sa pagkalunod ni Eunice, ngayon I feel so relieved. God loves us so much He always makes wonders in just a snap. “Thank you Lord.” Pasasalamat ko. I feel so happy. Okay na si Eunice.. Galing ni Bro magpakaba ah!!! >.<

Nang mapansin kong nakapasok na pala sila lahat at ako na lang natira dito sa may dalampasigan. Konting ilaw na lang ang natitira mula sa port sa di kalayuan at mula sa kabahayan.

Lumalalim na ang gabi.

Lumalakas na rin ang napakalamig na simoy ng hangin.

I decided to go inside para madaluhan ko na rin si Eunice. Oh Im such a good friend. Iyak ako ng iyak kanina tapos ako pinakahuli papasok ngayon. Hahahaha! XD Sorry naman, eh ang crowded kanina eh. Mamaya nyan matapakpakan ang beauty ko!

Naglalakad na ko nang mapadaan ako sa isang lilim ng puno..

Nang sa biglang liko ko, may nahagip ang mga mata kong isang korte ng tao sa dilim..

LECHE!!!! WAG SABIHING… MUMU!!!!! O.o

Binilisan ko ang lakad ko makalagpas lang sa bahaging yun.. Sht! God! Don’t let me die! Di na po ako magpapahuli sa susunod! Uunahan ko na po ng super super! Wag mo lang po ako takutin ng bongga!!!! Mamamatay po ako sa kaba!!!! >.<

Nararamdaman ko ang pagsunod ng bultong iyon sa likod ko..

LECHE!!! LINTEK LANG WALANG TAPANG NA LOOB!!!! KUNG PAPATAYIN MAN AKO NITO! MAS MABUTING MAKILALA KO MUNA ANG PAGMUMUKHA!!! PARA ONE-ON-ONE KAMI SA JUDGMENT DAY!!! >.<

Sa isang pangahas na sandali, nilakasan ko ang sarili kong lingunin ito..

PERO..

Pagkahilo ang una kong naramdaman nang maamoy ko ang isang nakaliliyong amoy mula sa panyong itinakip sa ilong ko..

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon