GnL 2 - Ch. 21 ~ Alak at Yosi

2.8K 40 9
                                    

Chapter 21

Back to Novy’s POV

“LADIES AND GENTLEMEN, THE CALLALILY!!!!”

Parang doon pa lang ako natauhan. Parang napapasong binawi ko ang kamay ko kay Sev. Wala akong masabi. Daig ko pa ang napipi.

Ano ba tong nangyayari sakin? Samin?

“Sev.. you’re tricking me.” Pasimpleng sabi ko.

Baka pain ito ni Sev! Ano to? Pauso? Parang hashtag? Ano to? Pampainlove effect? Duh! Hindi ako naging Novy Amber Belmonte para utakan niya ng ganito! >,<

“Oh. A trick.” Iiling-iling na sabi nito na parang di makapaniwala.

Napailing na rin ako sa emosyong iniinterpret ng utak ko. Did he just looked like he’s hurt?

Sumandal ulet ako sa upuan ko. At pareho kaming tahimik na nakatingin lang ngayon sa stage. Pinakikiramdaman si Sev. Nahihiwagahan na talaga ko sa bawat galaw niya.

Ano ba dapat ang isasagot ko? Ang iaakto ko? Sana man lang kasi bigyan niya ko ng warning para di ako alanganin. Akala ko for a year na magkasama kami at naging “engaged”, akala ko kilala ko na siya..

Pero bakit ngayon?

Habang lumilipas ang oras, mas lalo ko nararamdaman kung gaano karami ang mga bagay-bagay na di ko pa alam sa kanya.

“This song is especially dedicated to Ms. Neves Navarro. Alam mo na daw sino nagparequest.” Sabi ni Kean, ang vocalist ng Callalily.

“That must be Eff.” Sev

“What?” tanong ko.

“Si Eff ang nagrequest nyan.”

Tumango-tango na lang ako. At hinayaang maglaro sa utak ko ang isang bagay. So may past sina Ate Nev at si… WHAT THE EFF!!!

“Oh.” Tanging nasabi ko.

At namagitan na naman ulit samin ang katahimikan. Nagsimula na nga ang kantang yun.

Pasimpleng sumulyap ako sa mukha ni Sev. Seryoso lang tong nakatingin sa stage. Di ko alam kung nakikinig ba to or may malalim lang na iniisip.

Inenjoy ko na lang yung katahimikang namamagitan samin habang tumatalon talon sa intensity ng music ang Callalily sa stage.

Panay pa rin ang sigaw ng mga tao sa ibaba. Lahat ay nag-eenjoy sa bawat bandang sumasalang sa stage. Maaga pa naman. Estimated time na matatapos itong concert ay mga ala-una.

Mindnight pa lang. Pasado alas-dose na sa relo ko. >o<

Tahimik lang kaming nakaupo dun. Ilang minuto na rin ang lumilipas..

Napaparami na ang kantang natatapos.

Antahimik pa rin naming dalawa.

Shet! parang di naman ako sanay sa lagay na to. -____-

Ano kayang iniisip ni Sev ngayon? Ang paano ako linlangin at mapabayad ng bente mil? Hmm.. Dapat talaga alert alert ang peg ko sa mga kalokohang dala ng ungas na to. Mamaya nyan, matalo pala ko sa deal namin, edi mawawaldasan ng milyones ang bank account ko. Tsk! >,<

Pero paano nga kaya kung..

Paano nga kaya kung hindi kami nasa ganitong sitwasyon ni Sev?

What if, we are in very different situation?

“Sev.”

“Hmmm.” Nakatingin pa rin siya sa stage.

“May itatanong ako.”

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon