GnL 2 - Ch. 3 ~ Disaster

3.5K 51 6
                                    

Chapter 3

Back to Novy’s POV

“Oh sino yung tinawagan mo?” mataray na tanong ko habang di tumitingin dito. Eh sa kumakain ako eh, bakit ba? Natural nakatingin ako sa steak ko!

“Yung crush ko.”

O.o

HUH!!!? Medyo nabingi ako!

“KELAN KA PA NAGKACRUSH!!!?”

“Novy Amber! Watch your mouth.” He said between his teeth. Napatingin tuloy ako sa mga diners na nakatingin sakin ngayon.

Napayuko na lang ako sa hiya. Ganun ba kalakas ang boses ko? Di pa nga yun nangalahati sa personal volume ko. Hohohot! Mey ganun? >,<

“Anyway, is it bad to have a crush?”

“Oo. Masama para sakin. You promised me ako lang crush mo!” reklamo ko. Naiinis ako nang malaman kong marunong na kumerengkeng tong lalaking to.

“I’m a guy. It’s natural. Kahit ikaw din naman ah!” kaswal na sabi nito saka kinuha ang juice sa tabi.

“Urghhh! Marcus Theodore!” sabi ko sabay balabag ng mga hawak kong kubyertos! Hindi siya pwede magkacrush! Selfish ako pagdating sa lalaking to! >,<

“Princess. Crush lang naman yun. Don’t act as if mawawala ako.”

“I should hate whoever she is!”

“You’re such a stubborn girl. Act like a lady. Besides, you’re about to get married.”

Tiningnan ko lang siya ng masama. How could he say that? Nakakainis talaga ang pamilya ko! Masyado nila akong kinulong sa isang tao!

Ano ako? Pambayad?

Materyal na bagay pamalit?

Sa tuwing naiisip kong ipapakasal ako di magtatagal mula ngayon, pakiramdam ko unti-unting naglalaho lahat ng pangarap ko para sa sarili ko.

Pero ano nga bang magagawa ko?

Ano nga bang magagawa namin?

>_____<

Ayoko na nga mag-isip! Ayoko na magdamdam! Minsan o mas tamang sabihin na kadalasan nakikisabay na lang ako sa agos para di ko masyado mafeel yung hinanakit na ganito!

I’m barely 18 pero napakapredictable na ng buhay ko!

*BOOOOGSH!!!*

Bumulagta si Marcus sa carpeted na sahig.

O.o

Bumulugta?

Ibig sabihin may tumulak o sumuntok dito?

OHMAYGHAAAAAD!!!!

Napalingon ako sa tabi ko! Nak ng pating! Bat andito tong lalaking to! Nakakatakot yung tingin niya kay Marcus! Ano bang problema niya!

Sa bagal ng reflexes ko, ngayon ko lang naabsorb na andito ngayon si Sev! Nandito ngayon si The Seventh!!! At sinuntok niya si Marcus!

O________O

WAAAAAAAAAAAAAH!!!! Bakit!!!?

Tinulak ko si Sev at dali-dali kong dinaluhan si Marcus.

“Sev! Anong ginawa mo?!”

Sino ba naman di magwoworry. Napuruhan ata si Marcus eh.

“Aish!” bagot na sabi nito na parang pinapamukha niyang antanga ko para magtanong ng ganun.

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon