GnL 2 - Ch. 15 ~ Ang Debate, BOW!

2.8K 43 5
                                    

Chapter 15

Back to Novy’s POV

Ano ba yun?! Anong kilig ang pinagsasabi nitong julelay na jotak ko? Huh! Ako? Kikiligin sa kunehong to? Tss! Nang-aasar lang ako, di ako nakikilig. Sus!

Ano ba yan, bat ang defensive ko? >,<

“Tama na nga. Naghihintay na sina Grannies sa loob. Baka may makakita satin dito, isipin pang hinaharass kita.” Sabi ko sabay flip my hair.

“Hinaharass? Hinaharass in a provocative way?” Sev sabay smirk.

Ay loko-loko! Pwedeng alamin niya kung kelan ako nagjojoke? Nakakaloka!!

“Hindi noh. Ambisyoso ka!”nakapout na sabi ko sabay baba ng motor nito.

Ngayon ko lang napansin, di niya ko pinagsuot ng helmet!!! O.o OMG! My balak siguro ako ipahamak nitong lalaking to!?

“So ako pa ngayon ang ambisyoso, eh ikaw tong naunang manyakap? Tss! Mga babae nga naman, ang hilig nyo mambaliktad. Kami tong walang kasalanan, kami nasisisi sa huli.”

“Aba! May pinaghuhugutan ka? Ha! Eh sino ba gusto na iextend pa yun? Ako ba? Di ba ikaw?!” sabi ko pa.

Hindi naman ibig sabihin na niyakap ko na siya eh iba na ang iisipin niya, assumera ang peg niya ha!

 “Kahit na, eh kung sabihin kung naprovoke lang ako? Sino ba dapat sisihin? Di ba yung nagpasimula? Sino ba nagpasimula satin, di ba ikaw? Sino satin ngayon ang ambisyoso? Or should I say.. AMBISYOSA?” sabi nito sabay ng pandidilat ng mga mata sakin.

Aba naman! Tapang ng apog ng kunehong to ah! Ano akala niya sakin? Magpapatalo sa debate? >,<

“Hoy! The means doesn’t justify the end! Maybe I was the one who initiate it, but heller! I was about to pull out when you grabbed my hand!” pasigaw na sabi ko. Eh nagsisismula na kong maasar! Bat di nakakaintindi tong lalaking to?! >,<

“I disagree. The end does justify the means. Kahit anong gawin mo, ikaw at ikaw pa rin ang nagpasimuno nun.  So whatever the end may be, it was still your fault  in the end because you meant to hug me.. I repeat, YOU HUG ME FIRST.”

Umasim na talaga mukha ko! Ramdam ko eh! Daig ko pa ang hipon na ibinabad sa suka at naging anemic pagkatapos ay ibinilad sa araw at naging high blood! I feel my blood is travelling up my head!

Nakakainis talaga makipagtalo sa lalaking to! =_______=

“Kaya tanggapin mo na pag inisip kong may kakaiba ka ng nararamdaman sakin..” Sev with all his confidence.

AND HUWAAAAAAAATTT!!?

Did I hear it right?

Or should, tama ba ang interpretation ng utak ko sa sinabi niya?

“Excuse me Your Highness! Hindi po ako easy-to-get gaya ng mga babae sa buhay mo!” nakacross-arms na sabi ko sabay pandyak padyak!

Ipinark nito ang motor  sa tabi at bumaba na.

“Isa pa yang ganyang attitude.. wala pa nga akong sinasabi, nag-aasume ka na agad. Gaano ka kasigurado na isa ka nga sa mga babae sa buhay ko?” Sev

Napatigil ako.

Ano bang dapat ko isipin sa bagay na yan? Help! Nagloloading ang utak ko! Nag-aactivate na ang slowness hormones ko! Waaaaaaaaaaaah!!!!

Kasi.. bakit nga ba?

Gaano daw ako kasigurado na hindi niya ko babae? Errr… kasi hindi naging kami? Err… kasi special ako..?

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon