GnL 2 - Ch. 87 ~ Uncertain

254 10 3
                                    




A/N: Iñigo Isthaniel III a.k.a Daddy Ice is up there, saying hi to all of you with all his pamatay na charm! Enjoy the UD^^


---


Chapter 87


Snow's POV


Hi everyone! Natatandaan nyo pa ba ko? ^^ Clue: Kamukha ako ng isang Highness na palakpak ang tenga, haha! Oh ano? Except the fact na babae ako. Haha! Ako lang naman ang nag-iisang kapatid niya. Anyway, let me have my POV here kasi feeling ko napakastressful na ng sitwasyon.

Andito ako sa mansion, nakaupo dito sa bar sa kitchen. Kaharap ko ang laptop ko. Inaaudit ko lang naman lahat ng properties na kasalukuyang ibinebenta ko online. They are not some ordinary commercial properties. These are half of my brother's inheritance. Yes, you read it right. 

"Hey." 

Nabigla ako nang may biglang humalik sa pisngi ko. Paglingon ko, si Ice pala. Napangiti ako. This guy.

"Hi. Not expecting you here." Nagtatakang sabi ko sa kanya. Umupo ito sa tabi ko, left side.  "Di ka man lang nagtext na pupunta ka."

"Why? Kelangan ko pa bang magpasabi na pupunta ako sayo? Hmm?" Nakabungisngis na sabi nito sabay lapit ng mukha sa mukha ko. 

"Baliw." Sinimangutan ko siya. Ayan na naman siya sa pagiging pilyo niya. Si Ice lang yung taong nakekeri akong asarin. Hinarap ko na ulet ang laptop ko. Kasalukuyan nagkakaroon ng online bidding kaya binabantayan ko lahat.

"I miss you.." Ice, saka hinalikan ang balikat ko.

"I miss you, too." Sabi ko pero di ko pa rin inaalis ang mga mata ko sa screen.

"Mommy, I said I miss you." Ungot nito, lapit lapit ng mukha niya. Yung baba niya nasa balikat ko pa rin, naghihintay lang naman siya na pansinin ko pero wala, busy talaga ang beauty ko. 

"Hmm.." Bilang sagot ko sa paglalambing niya.

"..'my, pansinin mo naman ako.." Ungot pa rin niya. Nakayakap na sa beywang ko. Di ko pa rin siya pinapansin hanggang sa—Ouchhh!

"Daddyyyyyy.. " gigil na sabi ko nang maramdaman kong bahagya niyang kinakagat-kagat ang balikat ko. Jusko! Di ako makapagconcentrate dito.

"Pansinin mo na kasi ako.. Di ka ba naawa sakin dito?" Paawa effect nitong nakapout pa. Naku! Tong lalaking to talaga. Tiningnan ko na lang siya ng masama. Saka ngumiti rito. Hehe. Ang cute talaga nito. Cute na gwapo. Gwapo na cute. Haha! Ang amo ng mukha. Yung face niya paawa pa rin habang naghihintay ng reaction ko. 

*TSUP*

I kissed the tip of his nose para sumaya na siya. Ayun, ngumiti na nga. Kilig na kilig. Baliw talaga tong lalaking to. Parang bata. Gusto lang ng atensyon eh.

Mas lumapit pa siya sakin. Imagine nakaupo kami sa mataas na bar stools. Kinulong lang naman ako ng mga binti niya. So ang labas, kelangan ko tuloy ipatong ang mga binti ko sa hita niya. Naku Ice naman, kulit din ng isang to eh. Highness nga.

"Ano ba tong pinagkakabusyhan mo?" Ice na itinukod pa ang siko sa bar habang tinititigan ako. Nakakaconscious pa naman tumitig tong isang to. Tipong madidistract ka talaga sa ginagawa mo.

"I am helping Flame sell his properties. Pinaauction ko na rin yung mga music instruments niya na galing pa ng ibang bansa."

"What?!! Those worth a fortune!" Gulat na gulat na sabi nito.

"I know. He wants to help Mei."

Natigilan sya. Napaisip siguro.

"Hmm." Seryosong tumango-tango ito pagkamaya-maya. "Gusto ko rin naman tulungan ang mga Navarro. Kaya lang, you know the rules. Our parents need to freeze our accounts for security."

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon