GnL 2 - Ch. 53 ~ Second Day (Part 3)

2.2K 35 1
                                    

Chapter 53

Mei’s POV

Umaga na. Napadilat ako. Only to find out..

“Good morning, beautiful.”

 “Waaaaaah! Halimaw ka!!!” tinakpan ko nga ng unan mukha niya. Bat ang lapit niya sakin? Natulog ba tong kumag na to? Bat nakaindian sit lang siya sa tabi ng kama habang ako nakahiga at tulog dun kanina? Nakakagulat yung mabungaran mong may ganung pagmumukha ang nakatunghay sayo!!!!

“Grabe. Yan na pala ang bagong “good morning too” ngayon? Eh alam ko na yan dati pa eh.” Flame. Himig-nagtatampo.

“Aba! Umagang-umaga naman kasi, binubwiset mo na ko Juarez! Gaano katagal ka ng gising at nakatingin lang sakin dyan?” himig-nagtataray ang lola mo! Ang gwapong Juarez naman kasi, nakakalukso ng heart!

“Eh, mag-iisang oras na kong gising.”

“Kita mo na! Gising ka na pala, di mo man lang ako ginising! Unfair ka!”

“Bat mo ba ko inaaway? Mei naman eh. Kala ko ba okay na tayo? Tapos ngayon, aawayin mo ko kasi di kita ginising agad? Babaw naman nun. Eh sa di ko kayang sirain ang tulog ng mahal ko eh, masisisi mo ba ko?”

Susme!!! Pigilan nyo ko! Umaga pa para maglandi ako!

“Basta unfair ka!”

“Eh bakit nga? Tinititigan lang naman kita habang nahihimbing ka.”

“Yun na nga eh. Ikaw lang tumititig. Eh ako, ayaw mo ba kong gisingin para matitigan din kita?” sabi ko.

Namula naman bigla ang lolo mo! Aba! Ganito pala kiligin ang mga lalaki. Capable din pala silang mamula. Hahaha. At di na nga nito napigilan ang mapangiti. Shet. Kung ganito ba naman ang bawat umaga ng buhay ko, I’m sure mamamatay akong masaya! ^^

“Nilipat lang kita dito sa kama. Ayoko kasing nangangalay yung taong super duper patay na patay sakin.” Bawi nito.

Aba! Anong sabi niya? Pakiulet!!!!? Este wag na. Lumalabas na naman ang pagkapahiya sa katawan kong maganda!

“Tigilan mo ko. Nabubwiset na naman ako sayo!” sinimangutan ko siya saka nagtalukbong.

Pero deep inside, nag-uumalpas ang kakiligan sa kaibuturan ng puso kong baliw! Hahahaha! Achichiiii.. This guy… so.. hmp! Nakakainis ang kakyutan!

“Uyy.. may di ka inaamin. Ikaw ha.. crush mo daw ako?”

Anong pinagsasabi ng ugok na to? Eh alam naman niyang dati pa, crush ko na nga siya! Disoriented ata to eh. =______=

“Alam mo na sagot dyan. Gusto mo pang sinasabi eh. Pakamatay ka Juarez!” bulyaw ko. Naaaninag ko pa ang kislap sa mga mata niya habang inaasar ako. Manipis lang kasi tong kumot.

Sarap talaga niyang isako!!!

“Weh? Pakipot ka pa? Umamin ka na.. sige na.. HAHAHAHA..” sinubukan niyang ialis ang talukbong ko. Pero ayoko! Pagara to lalaking to. Gusto pang sinasabi ko na crush ko siya noon pa. Bwiset.

“Hmm. Ayaw! Panget ka! Tigilan mo ko!” kilig na kilig na sabi ko. Hihihi. Sobrang smile na ang lola mo beneath this blanket.

 “Kunwari di ako nakatingin.. sige na.. amin na.. dali kunwari di mo ko kausap.. crush mo nga ba ako?” yugyog pa niya sakin.

“Hindi! Manigas ka!” hinigpitan ko pa ang hawak sa kumot ko. Bahala ka! Ayoko ipakita na namumula na ko dito sa sobrang kileeeeeeegggggggg!!!!

 “Hmp.. magtatampo na ko.”

Nakuw nakuw! Ano daw? Magtatampo? Aba! Aba! Hindi! Wag!!! Mauunsyami ang momentum na to! Hindi maari!!!

Bigla kong inalis ang talukbong ko. Aba! Ayokong masira ang moment. Mamaya nyan, magwalk out ang lolo mo. Sayang ang beauty ko dito!!

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon