GnL 2 - Ch. 12 ~ Confused Hearts

3K 44 9
                                    

Chapter 12

Flame’s POV

Hila-hila niya ko sa manggas ngayon. Grabe! Di ko na alam saan ko ilalagay ang pagkakalaki at pride ko sa ginagawa niya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao andun sa bar na yun.

Hila-hila ka ba naman ng isang magandang celebrant?  Pero kailangan ko tiisin to. Sino ba naman ako para magreklamo?

Party niya to. Welcome party na inorganize ng kapatid niyang si Neves.

Kaya dapat maging maswerte na lang ako dahil hila-hil ako ng taong mahal ko! ^_____^

Pumasok kami sa isang cubicle sa bar na yun.

“Nabobored ako. Kantahan mo ko.” Mataray na sabi ni Mei saka sumalampak ng upo sa sofa.

Di ko alam anong isasagot. Bat niya ko pinapakanta? >0<

“Ayaw mo? Sabihin mo lang, naghihintay ako.”

“Pero Mei..--- “

“Kakanta ka o aalis ako?”

Takte! Antalim ng tingin niya sakin! Tsk! Kung di ko lang talaga mahal tong babaeng to, di ako magpapatapak ng ganito. Pero syempre wala tayong magagawa. Wala akong magagawa.

“Sige wait lang.. May kukunin lang ako sa labas.”

“Dalian mo. 5 minutes. Pag wala ka pa dito in 5 minutes, di mo na ko makikita kahit kailan.”

Kumaripas na ko ng takbo palabas ng bar papunta ng parking lot. Hinanap ko kotse ko at dumerecho sa compartment.

Kinuha ko gitara ko.

Bumalik na ko ng bar.

Leshe! Nakipagsiksikan pa ko sa mga nagkakagulong babae bigla akong tinrap sa gitna ng dancefloor! Mga tokwa naman oh! Mauubos na ang 5 minutes ko, tatapon ko sa ilog tong mga to!

Wew! Buti na lang nakaabot pa! Pagtingin ko sa wristwatch ko, may isang munuto pa ko.

Pagkapasok ko sa cubicle na yun, di ko na naman madrawing ang mukha ni Mei pagkakita sa dala ko. May kung anong dumaang emosyon sa mga magagandang mata nito.

Ayoko mag-expect. Pero iisa lang ang nababasa ko roon.

 PAIN.

Ito kasi yung gitara na bigay niya nung hindi pa nagiging kami. Regalo niya to noon sa birthday ko.

“Oh. Nasa sayo pa pala yan? Sana tinapon mo na yan. Tinapon mo na nga yung nagbigay niyan diba?” taas-kilay na sabi nito.

Mei, Mei, Mei.. Kung kaya ko lang minu-minuto magsorry sayo, mapawi ko lang yung sakit na nabigay ko, matagal ko ng ginawa.

“I decided it to keep it. Some things don’t deserve to be thrown easily.”

“Okay. You say so.” Pabalewalang sabi nito at kinuha ang isang magazine sa ilalim ng coffe table.

Kailangan ko tiisin yung bawat pasaring niya. Di dapat ako masaktan ng ganun kadali. Kasalanan ko eh.

Umupo na ko sa harap niyang sofa at nagstart nang magstrum. Habang ginagawa ko yun, tinitingnan ko siya. Busy siya kakatingin sa magazine. Ano yun? Hinila ako dito pero wala naman balak pakinggan ang kakantahin ko?

Wow men! Di masyado masakit yun ah!

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagtugtog..

---

Mei’s POV

I silently breathed deeply.

DAMN GUITAR!

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon