GnL 2 - Ch. 17 ~ Puzzle Day

2.9K 45 15
                                    

Chapter 17

The next day.

Mei’s POV

Since it’s Sunday, maaga akong nagising ngayon. Ayahay talaga ang buhay ko. Akalain mong every Sunday lang ako maaga nagigising. Palibhasa di ako nag-aaral. Kekeke^^

Sa Paris pa rin ako nag-aaral pero since bakasyon pa ngayon dun, dito muna ako maghahasik  ng lagim sa Pinas.

Ang speaking of lagim, andami kong gustong gawin habang andito ako sa bansa. Kasali na dyan ang manlandi sa mga gwapings! ^^

Unti-unti kong dinilat ang aking beautiful eyes. Saka tumingin sa bedside clock sa tabi ng kama ko.  Maaga pa, 10 am pa! Hahaha! ^_____^V

Andito pala ko sa mansyon, no permanent address ang peg ko dahil wala akong condo at nakikitulog lang ako minsan sa condo ni Neves. Di naman ako pwede matulog sa condo ni Sev dahil baka wasakin ko pa mga gamit nya dun! =_____=

“Gumising ka na.” Sev na busangot ang mukhang pumasok sa kwarto.

“Ayoko pa..” nitatamad na sabi ko sabay kuha ng unan at tinakip sa mukha. Bigla naman nitong hinablot yun.

“ANO BAAAA!!!? TUTULOG PA ANG TAO EH!!!”

“Matulog ka kung gusto mo. Pero harapin mo muna yung bisita mo sa baba.”

Napabangon ako. Sinong bisita?

Bakit Mei, may ineexpect ka bang iba? Uyy, sino kaya? Itago kaya natin sa pangalang Flame? >,<

“Tsk. Tsk.. Why do you need to be messy when you just want to sleep?” Sev na pinupulot ang mga nahulog na unan sa carpeted na sahig. Pati kumot ko, nahulog na pala sa labis na kalikutan ko.

Eh bakit ba? Kasalanan ko ba? Malay ko ba kung gaano ako kalikot matulog?!

“Sinong bisita?” I asked instead of answering his nonsense question.

“Next time you sleep, tie yourself.” Painsultong sabi nito instead of answering me. Just great!

“Eh ano ba pakialam mo eh kwarto ko to! Hmp!” pinandilatan ko siya ng bonggang-bongga! Kapal ng mukha niya sabihan ako eh teritoryo ko to!

Napatigil ito bigla sa pagpulot sa mga kalat ko.

“Kwarto mo? Sigurado ka?”

Ako naman ang napatigil.

Bigla ako nafreeze sa kinahihigahan ko at inikot ang eyeballs ko sa paligid. Talagang masakit ang katotohanan. Hihihi^^

Room pala ni Sev tong napuntahan ko. ^_______^V

“Ahehehehe.. sinadya ko talaga matulog dito!” pagmamagaling ko sabay peace sign sa kanya. Nakakahiya sa kapatid ko. Lakas ng loob ko angkinin ang kwarto niya.

“Andaming kwarto dito sa mansion, sino lolokohin mo?”

Patay na! Patay na talaga!

“Ahehehehe, namiss lang kita Ferby!!” sinugod ko siya ng yakap para pagtakpan ang pamumula ko.

Kasabay ng pagbangon ko ang pagkahilo ko. Shet! Hang-over! >,<

“Hoy, Marmeia Candice, lokohin mo na lahat, wag lang ako. Nakainom ka na naman kagabi. Nagulat na lang ako pagkagising ko dis-oras ng gabi na may sumisipa ng mukha ko. Di lang kita nakilala, uupakan kita! Bat ka ba naglasing? Sino kasama mo lumabas?”

Napakamot na lang ako sa ulo.

Ito ang mahirap pag may kapatid kang lalaki, sobrang overprotective. Daig pa ang kuya, di na nahiya eh akong tong ate niya!

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon