GnL 2 - Ch. 86 ~ Friends to Foe

315 10 9
                                    



A/N: As promised, here is the UD. React react na mga friendship! Bwahahaha. Yummy ni Grey sa taas oh. Lakas makabias wreck!!! Anyway, don't forget to vote and comment. Love you all! Enjoy^^


—-


Chapter 86

Mei's POV 

Nakatulala lang ako habang nakaupo sa waiting room na ito. Sa labas ay ang Operating Room kung saan kasalukuyang inooperahan si Papa. Pakiramdam ko tumatagaktak ang pawis sa noo ko kahit ang lamig lamig ng aircon sa loob. Panay din ang kumos ko sa kamay ko. Kahit anong gawin ko, di ako mapakali.

"Baby.." Tawag ni Flame sa atensyon ko at umupo sa tabi ko saka kinuha ang kamay ko. "You're trembling.." Di ko siya narinig. Literal na nanginginig ang buong katawan ko sa mga nangyari. Napapikit ako nang maalala ko ang itsura ni Papa habang inaatake sa puso. Buti na lang at nadaluhan ko kaagad ito sa gitna ng mainit na sitwasyon kanina.

"Di pa rin sumasagot si Sev.." Buntung-hiningang sabi ni Vans na palakad-lakad sa likod namin. "Di ko rin malocate ang phone nya." Segunda naman ni Ice na nakaupo sa isang couch doon kaharap ang laptop nito.

"I hate this!" Neves exclaimed out of the blue. Kanina pa to humahagulhol sa isang tabi. Inaalo naman ito ni Eff na tumahan na.

Ako tahimik lang dito sa tabi. Daming bagay akong iniisip. Sa dami nila, di ko na alam kung ano uunahin. Si Mama nasa VIP department at nagpapahinga, the doctors needed to admit her at turukan ng pampakalma dahil naghihysterical na ito sa Emergency room kanina. Si Sev di ko alam saan nagpunta at nawala na sa venue kanina as soon as umalis si Novy.

"Guys, nawawala rin si Novy. Kakahatid ko lang kay Eunice sa bahay nila, galing kami sa mga Belmontes. She's nowhere to find after she ran away. Di rin siya makontak sa ngayon." Blue informed us. Kadarating lang nito.

"Di kaya magkasama sina Sev at Novy?"  Ice

Walang sumagot. Lahat kami natahimik. Pero naisip ko na rin ang posibilidad na yan. Sa ngayon masyadong occupied ang utak ko.

Maya-maya, nagring ang phone ni Eff. Sinagot naman nito yun. 

"It's Owie. He just told me that like Sev and Novy, Lovien is missing too--" Pagbabalita ni Eff matapos nito ibaba ang tawag pero mas nagulat kami nang agawin ni Neves ang phone nito at itapon sa pader dahilan para magkabasag-basag ito.

"I don't care about that girl! Stop mentioning her name here! My family is falling apart because of her!" Neves

"Nev, chill lang.." Pagpapakalma ni Ice. 

Si Eff nakatingin lang sa nabasag na phone nito. Saka napabuga ng hangin. Napatingin siya sakin. Nangungusap ang mga mata kong ilabas na muna niya si Neves pag ganito na ang kapatid ko. Kung may isa mang taong nakakaalam outside our family about Neves' temper, si Eff lang yun.

"Neves, lets go out.." Eff 

"Pwede ba? Let me get angry with her! Sya ang dahilan kung bakit nagkakasira ang pamilya ko ngayon. Si Papa nag-aagaw buhay sa loob dahil sa mga nangyari.  My mom can barely cope up! And what? We're here waiting for something we dont know!" Tumungo si Neves sa direksyon ko at mabigat na binagsak ang mga kamay sa mesa sa harap ko.

"And you, you are the worst of them all. Ikaw ang nagpasimuno ng lahat ng ito. You dragged Lovien into this. You brought her back to Sev's life. And look what you've done. You ruined your own family! Kung hindi dahil sayo, walang mangyayaring ganito. This is all your plan, after all, diba?---"

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon