GnL 2 - Ch. 31 ~ Semi-Confession?

2.7K 42 4
                                    

Chapter 31

Novy’s POV

After few days..

Ilang araw na din ang lumipas at this week na talaga ang review, next week na ang exam. Kelangan ko ng kumayod! Ayoko magcram. Baka masabihan pa ko ng parents ko na pabaya sa pag-aaral. Di ko naman maatim yun. Tsaka sa ganda kong to, masstress lang ako ng exam. Ugh! Puhlease!

Chineck ko phone ko.

Puro mga text sa mga kakilala, kaibigan at ng mga bebe kong prinsesas. Idagdag pang may isang makulit.

Walang galing sa “Fiance”.

Nakakalungkot. :( Teka, Bat ako malulungkot? Eh bakit ba kasi parang namimiss ko si Sev? Miss ko nga ba? Tsk! Wala namang matinong gagawin at sasabihin yun sakin? Kita nyo nga minsan, may pagkaperv yun. Babanatan pa ko ng kung ano-anong kaweirduhan niya. Kaya tumigil ka Novy sa kakailisyon mo!

Pero antagal na namin di nagkita ha.. nung foundation concert pa yun eh.

Tantya ko, nilamon na yun ng lupa. Hayyssst.

Pero di nga, bakit parang miss ko siya? Asan na kaya yun? Aish! No. no. Wag isipin yan, Nobyembre! Nakakamatay! >_______<

“NOOOOOOVY!!!!” sigaw ng isang payat na payasong papalapit sa kinaroroonan ko. Yan ang tinutukoy kung makulit na text ng text sakin. Kinakareer talaga ang “panliligaw” eh!

Di ko nga siya pinansin. Mambubwiset na naman to eh. Imbyerna!

“Ano ba Flame? Kainis ka naman eh!” batok ko sa kanya. Inaagaw yung aklat na binabasa ko! Nakalapit na pala. Kainis talaga.

Kelangan ko mag-aral! KUNO. ^_____^V

Eh kasi kung di ko gagawing busy sarili ko, kukulitin lang ako nito. -____- Bakit ba kasi may copy siya ng sched ko. Alam tuloy niya break time ko.

At ito na nga, kinukulit na nga ako! Juskopo!

“Uy masakit yun ah! Gusto ko lang naman makita to eh!” at tuluyan na po niyang inagaw yung Physics book ko.

“Tss. Sige, sayo na! Hiyang-hiya naman ako sayo! Ikaw na mag-aral, tutal ikaw yung mag-eexam noh?” painsulto ko pa siyang nginitian.

“Iehh. Ang sweet mo talaga Novy. Wag ganyan, nakakainlove ka eh.” Bangga niya sa balikat ko sabay ngiti. Natawa ako sa mukha niya. Mukhang engeng eh. Andito pala kami sa open field. Nakaupo sa bleachers.

At ano daw? Andyan naman siya sa banat niya “nakakainlove ka eh!” bwiset. Siguro kung iba pa, matutuwa pa ko. Pero ito? Duh! Wag siyang pacute, nagmumukha lang siyang payaso!

“Samahan kita?” offer ko pa.

“ Saan? Kakain ba tayo?”

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon