GnL 2 - Ch. 39 ~ Boys are Boys.

2.6K 38 2
                                    

Chapter 39

Sev’s POV

Putris. Langyang cellphone to. Sarap wasakin. Kanina pa iniistorbo ang tulog ko! Sinagot ko ang tawag kahit di ko tiningnan sino ang lecheng caller na umepal sa pagtulog ko.

“Yes?” patamad na tanong ko.

|Sev pare. Andito kami sa presinto.| Boses ni Ice.

“Tapos? Inistorbo mo tulog ko dahil lang dyan?”

|Loko! Pumunta ka dito!|

“Eh bakit ba? Aish. Antok pa ko pre.”

|Nagsuntukan sina Dark at Grey sa labas ng property ng mga Sy. Wag kana maraming tanong. Bye.”

Haynaku. Eh ano ngayon kung nagsuntukan yung dalawa? Di naman ata bago yun. Tss! Wala nga ko magawa kundi bumangon na lang at puntahan ang mga to. Kung minsan talaga, este madalas pala, di lang magulang ang sakit sa ulo, pati mga barkada!

---

After 20 minutes.

Pinark ko sa parking area ng presinto ang kotse ko saka lumabas.

Pagpasok, nakita ko kaagad ang ibang Highness pati si Neves na halos tunggain na ang malaking chuckie na hawak nito. Oo, yung big version na breakfast size. Nakakahiya. Malala pa siya sa bata. To think na ate ko pa siya. -_____-

Nakatambay lang sila sa may waiting area.

“Anyare dito? Tsaka bat ka nandito?” tanong ko sa ate ko.

“Eh di ako makatulog eh. Kaya pasama-sama lang ako dito.” Neves na nginitian pa ko ng parang wala lang. Bang klase! Nakulong na nga ang barkada, pantawid-boredom lang pala sa paningin nito yun! Tss.

“Asan si Mei?”

“Ewan ko. Di ka ba natulog sa bahay?”

“Hindi. Sa condo ako nagstay.”

“Edi malamang nasa mansyon yun. Sa condo ko rin ako nagstay eh. Gusto mo?” offer niya sakin nung hawak niya. Di pa ko nakakasagot nang bawiin nito yun. “Edi bumili ka. Hahaha.”

Hay. Lang kwentang kausap to. Parang walang problema. Mabuti na lang wala dito si Mei. Mag-iingay lang yun dito dahil nakulong tong mga lalaki niya.

Umalis na ko sa harap ni Neves.

Pinuntahan ko yung iba.

“What the hell happen?” tanong ko kay Bee. Siya pinakamalapit sakin eh.

“dude, may dala kang pagkain dyan? Gutom na ko eh!” sabi ng talking siopao na si Gie.

“Tara, ipagluluto na lang kita!” talking lizard Jae.

Di ko sila pinansin. Mga PG mga to.

“Nagwrestling yung dalawa sa kalsada. Sayang wala ako dun! Sasali ako sa kanila eh! Namimiss ko na mag-exercise ng suntukan. Ano sa tingin mo pareng Blue?” Owie

“Sabi ko naman sayo pre, magset ka ng time. 2 wins for hundred kiyaw. My place.” Paghahamon ni Blue dito.

“Pwede ba. Di yan ang pinag-uusapan mga gago! Where’s Ice by the way?”

“Chill lang pare. Nasa kabilang room si Ice. Inaayos ang papers para ibail out yung dalawa. So ayun nga, nag-away sila. Buti na lang nakatawag agad ng mga pulis yung mga tao sa bahay nila Mars.” Bee na tinapik ako sa balikat.

“Alam ba to ni Mars?”

“Mukhang hindi. Wala siya doon sa bahay nila eh.” Kei na biglang sumulpot sa gilid ko.

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon