GnL 2 - Ch. 36 ~ D&D

2.6K 31 3
                                    

Chapter 36

Sapilitang Date Part 2. Ito yun eh! UGH!

Parang déjà vu lang? Parang nangyari na to eh. Yung naging bodyguard ko siya noon na naiwan ang gamit ko sa kotse niya na siya pa nagbayad nung bag na bibilhin ko sana na pinag-agawan pa namin nung ambisyosang purita sa mall na napilitan akong kainin ng libre yung mga pagkaing hinanda niya, na---AHHHHH!  ITO YUN EH!!!!

Ganitong-ganito yun! Ugh.

Pagkakaiba lang, sa mall yung noon. Sa Magic Village tong ngayon.

Why it has to go back to those times?!

“So tell me about your life abroad.”

Nginitian ko siya ng buong kaplastikan! -__- JERK! Ngiting nagsasabing wala akong balak sagutin ang tanong niya.

“Come on. Why you have to be so hard on me?” Dark

Ngiti ulet. SUPER TUPPERWARE!!! -__- BASTARD!

“Co-owner ka pala dito. Is that a troll?” nang-iinsultong  tanong ko saka upo sa may bench. Naglalakad-lakad lang kami actually. With a cone of ice cream in our hands.

“Nakalimutan mo atang si Vans ang may-ari nito. Simple. Nag-invest ako.”

“Ahh. Okay.” Walang ganang sagot ko.

Tumingin tingin ako sa paligid. Andaming bata. Hindi sila customer. Yung iba, nasa mga booth lang na andun. Is Dark using chid for labor?

Pero bago pa ko makapagsalita, nagsalita na ito sa tabi ko.

“Ubusin mo yang ice cream.”

“Inuutusan mo ko?”

“Hindi. Pero maraming bata ang gustong makatikim nyan. Maswerte ka at---”

 “Okay fine.” Sabi ko sabay hulog ng ice cream sa sahig. Rebelious maldita here! ^^

Yung reaksyon niya?? Nakakatawa lang. Napapatingin lang dun sa ice cream na hinulog ko.

“Bored na ko. Walang kwenta tong Magic Village.” Sabi ko sabay tayo. Then lakad.

Nang mapansin kong walang Dark na humahabol sakin. Napabalik ako ng tingin sa pinanggalingan ko.

At muntik na kong makonsensya! Kinuha kasi mismo ni Dark yung walis at dustpan sa matandang lalaking naglilinis sa di kalayuan at siya na mismo nagligpit nung kalat ko sa daan saka tinapon yun sa basurahan.

Pero heler! As if makokonsensya ako!

Masyado naman siyang paGood Samaritan ang peg! Kuuh! Di ako makukuha nyan! Kahit magserbisyo pa siya sa Payatas!

Nauna na ulet ako maglakad. Bahala siya humabol. Sana nga magkawalaan na kami dito! Imbyerna shukins!

“That was so you.” Dark. Nakahabol na pala. Alam ko tinutukoy nito. Yung ginawa ko. Kfine. As if I care? -___-

“I’ll take it as an insult.”

“You shouldn’t. It’s a compliment.”

“Oh really? So you like me being maldita huh?”

“Believing makes you aware. And now, you are aware of your attitude.” sarcastic na sabi niya.

Napatigil ako sa paglalakad. Bakit ba lagi na lang niya ko hinuhuli sa mga salita at ginagawa ko. He hasn’t changed a bit. Napakadominante pa rin nyang tao!

“You’re a dominant jerk. Don’t you ever know that?”

“I always know that, Margarette.” Harap nito sakin na nakapamulsa. “Trust me, I love controlling things. But controlling has its own limit. So as your anger.”

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon