GnL 2 - Ch. 66 ~ Second Night (Part 16)

1.4K 29 3
                                    

Chapter 66

Grey’s POV

Napatingin ako sa labas ng tsikot ni Flame. Mahigit 30 minutos na kaming nasa daan. Takte. Bat pa kasi ako pinasama ng mga lokong to. Gusto ko pa lunurin ang sarili ko sa alak. Tinapik ko si H na nasa passenger seat. Lumingon naman ito, sinenyasan ko siya na itigil ang sasakyan.

“Tsk. Maya na yosi tol. We need to catch that informant.” Sabi ni H.

Napailing na lang ako. Takte talagang buhay oh. -_-

“Yow! Ayos ka lang tol?” tanong ni Flame na nakatingin sakin ngayon through the front mirror. Nakakagago naman kasing hilahin pa ko dito para sumama sa kanila.

“Mukha bang ayos lang ako?” sarkastikong tanong ko. Oo at nakainom ako pero kaya ko pa naman kahit na kanina pa umiikot ang paningin ko. At nakakainit na rin ng ulo mga nangyayari sakin simula pa kaninang umaga. But then, I’d better be silent. Alam ko namang kaya ako andito eh dahil iniiwas nila ako na malasing ng sobra.

Napailing na lang si Flame sa sagot ko. Balahura talaga ko pag nakainom. Alam na nila yan. -_-

Sa wakas, tumigil na rin ang sasakyan sa isang tagong lugar. Along the hiway lang naman pero since medyo malalim na ang gabi, wala ng katao-tao sa lugar. Wala na ring sasakyang dumaraan. Is this a f*ckin ghost hiway? -_-

Dali-dali akong bumaba ng maitigil na ni Flame ang kotse. Kating-kati na ko magyosi. Nak ng tupa naman kasing buhay to! Lecheng puso ko, nainlove pa ko sa babaeng wala naman atang balak mahalin ako. Tsk. Nakakagago lang eh. Kinuha ko agad sa bulsa ang yosi ko at sinindihan. Humarap ako sa malawak na skyline sa harap ko. Wala naman talagang makikita doon kundi malawak na dagat sa baba. Ewan ko kung nasaang lupalop na kaming tatlo dito.

Sumulyap ako kay H. Nakalabas na rin ito mula sa kotse at nakasandal na ngayon sa front hood ng kotse habang pinakikialaman ang cellphone nito. Si Flame nasa loob pa rin ng kotse. Leche. Ayoko maghintay dito. Sino ba kasing informant tong hinihintay ng mga lokong to. -_-

“Nasaan ba kasi si Vans? Gawain nya to eh. Why the hell are we here?”

“Wala si Vans. Bumalik na ng Manila.”

Napailing na lang ako. Bat di ko man lang alam. Di ko man lang napansin. “Kaya inom pa tol para di ka na maupdate. Hahaha!” dagdag pa ni Flame. Such a laughing idiot. -_- Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Si Flame kasi ang tumatayong kanang-kamay ni Vans pagdating sa mga impormasyong may kinalaman sa Highness.

Kaya nakapamulsa na lang akong nagyosi. Di nagtagal, may narinig na kaming paparating na sasakyan. Sa tunog pa lang ng makina nito, alam ko ng di bastang-bastang engine meron ang sasakyan na yun. Pumarada ito sa harap mismo ng kotse ni Flame. Takte. Latest model ng Ferrari.  -_-

Saka lumabas ang sinasabing “informant”. Pero nakahoodie ito ng itim. Lumabas na si Flame mula sa kotse saka lumapit dito.

Pero nagtaka ako nung makipaghandshake na ito kina Flame at H. Takte. HIGHNESS??? Tinapon ko ang yosi sa kamay ko saka inapakan. Lumapit ako sa kanila.

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon