Chapter 34 part 2

Start from the beginning
                                    

"Saan nyo naman nalaman yan?" nakakunot ang noo ni Emer.

"Hindi ko sinasadya na marinig ang usapan ng ibang tao. Last night I couldn't sleep because I am worrying about your situation kaya bumaba ako sa library to get some books para pampalipas oras." nagkibit balikat na lang ang ginang.

"What happened?" hinihintay ni Emer ang karugtong na kwento ng ina.

"Yung kwarto sa tapat ng library hindi nila naisarang mabuti kaya narinig ko na kausap ni Dennis ang mga magulang tungkol sa pagbabalik ni Joan." 

"Mama, may nakakita ba sayo?" kinakabahang tanong ni Emer. 

Umiling lang ginang. 

Naputol ang sasabihin pa sana ni Eliza sa mahihinang katok, tumayo ito ang binuksan ang pintuan. 

"Balae nandito ka pala?" maluwag ang pagkakangiti ni Divina. 

Ngumiti din si Eliza at maluwag na binuksan ang pinto para makapasok ito bago nagsalita. "I'm just checking her baka may mga kailangan pa siya." 


"Hija, everything okay? may kailangan ka pa ba?"
tanong ni Divina kay Emer. 

Tumango si Emer. 'Don't worry po, I'm alright. Dumating na po ba si Dennis?" 

Kaninang umaga ay nagpaalam si Dennis sa kanya na may importante lang na aasikasuhin pero babalik din ito agad para sa kanilang kasal. 

"Isa pa yan sa ipinunta ko dito, until now wala pa rin siya. Baka mauna pa sa kanya ang judge na magkakasal sa inyo." buntong hininga ni Divina.

"You're worrying too much Mama, darating din yun." pagkonsola ni Emer kay Divina.

"Baka naman nakapag-isip na si Dennis na hwag ng ituloy ang kasal?" singit ni Eliza sa usapan. Naghihinala ito na baka magkasama si Joan at Dennis ngayon.

"Hindi gagawin ni Dennis yun balae dahil ako mismo ang makakalaban niya." pagbibigay assurance ni Divina sa Mama ni Emer. 

Nagsawalang kibo na lamang si Eliza dahil inaalala niya rin ang kalagayan ng ginang.

"Emer, mag pahinga ka lang muna dito at kapag handa na ang lahat ipapatawag ka na lang namin ng Mama mo." baling ni Divina kay Emer. 

Sabay na lumabas ang dalawang matanda sa kwartong inookupa ni Emer. 

"Can we talk?" tanong ni Eliza kay Divina. 

"Of course halika sa study room tayo, mukhang importante ang sasabihin mo." napansin ni Divina na medyo balisa si Eliza. 

Tahimik ang dalawa na nagtungo sa study room at pagdating doon ay mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. 

"Is there something bothering you?" si Divina na ang bumasag ng katahimikan. 

"To be honest with you I don't agree with this marriage. I'm worried about my daughter." wala ng paligoy ligoy na simula ni Eliza.

Tahimik na nakikinig lamang si Divina, naiintindihan niya ang nasa saloobin ng kaharap. Kung siya rin ang nasa kalagayan nito ay mag-aalala rin siya. 

"I'm scared na baka masaktan lang si Emer. I don't want to offend you pero iba ang reputation ni Dennis pagdating sa babae." tinitimbang ni Eliza ang mga dapat sabihin dito.

"I understand you, pero lately si Dennis ang nagpumilit sa amin ng kanyang Papa na pakasalan si Emer. I think my son loves your daughter, ayaw sa commitment ni Dennis but this time siya ang gumawa ng paraan para matuloy ang kasal nila."  paliwanag ni Divina.

"Hindi ka sigurado kung mahal nga ba ni Dennis ang anak ko, pero ako I am very sure sa nararamdaman ni Emerald." malungkot na sabi ni Eliza.

____________________

A.N.

Maraming salamat sa pagtitiyaga ninyo sa paghihintay ng UD. 

Please pakibasa din po ng  story na ito. Let's support this young writer para ma motivate pa po siyang gumawa ng mga kwento http://www.wattpad.com/story/22461549-he-is-unpredictable

Playful HeartWhere stories live. Discover now