Chapter 33 part 1

Start from the beginning
                                    

"That's too much!" protesta ni Emer. Kahit naiilang sya sa pagkakalapit nila ng binata. 

"I'll give you an option, pakakasal ka sa akin or mawawala ang negosyong pinapangarap mo." sabay haplos pa nito sa mukha ni Emer. 

"Hwag mo akong takutin." matatag na sabi ni Emer. "I can tell to your parents na niloko mo sila." 

"Go ahead, akala mo matutuwa ang Mama kapag nalaman niyang binayaran kita para magpanggap." nakangisi niyang binitawan si Emer.

Nangangatog ang tuhod ni Emer sa galit ng mga oras na yun. Hindi niya maintindihan si Dennis kung bakit pa nito pinagpipilitan ang kasal na inaayawan nito noon. 

"Marami pa akong gagawin, don't worry may nakausap na akong mag-aayos para sa kasal." bumalik na si Dennis sa kanyang mesa. 

Halos hindi na makapagsalita si Emer dahil sa galit niya kay Dennis. Hindi niya matatanggap na pati ang business niya na kakasimula pa lamang ay gusto na nitong pabagsakin. 

Akmang lalabas na si Emer ng biglang tumunog ang cellphone niya. Nagmamadali niyang hinalungkat ang kanyang purse,  napapailing naman si Dennis habang pinagmamasdan  ang dalaga. 

"Hello Toffer, what's the matter?" bungad ni Emer. Nagmamadali na siyang lumabas sa opisina ni Dennis. 

Halos magsalubong ang mga kilay ni Dennis ng marinig kung sino ang kausap ni Emer sa kabilang linya. Dali dali itong tumayo para habulin si Emer. 

"Where are you? can you pick me up? nandito ako sa Ayala wala akong dalang sasakyan." 

Naabutan ni Dennis na naghihitay ng elevator si Emer at narinig niya rin na nagpapasundo ito sa kausap. 

Nagulat na lang si Emer ng biglang may humablot sa cellphone na hawak niya. Nang makita niyang si Dennis ang may gawa ay inis niyang binalingan ito. 

"What's your problem? pati personal calls ko pinakikiaalaman mo." nangigigil na sita ni Emer kay Dennis. 

"Bakit kailangang sa lalaking yun ka pa magpapasundo?!" medyo malakas na ang boses ni Dennis. 

"He's my friend at wala akong dalang sasakyan nagkataon naman na nandito din siya sa Ayala." 

"I've told you before na ayoko ng nakikipagkita ka sa lalaking yun and I don't care if he's your friend."  galit na sabi ni Dennis. 

Umiling na lang si Emer dahil napansin niyang nakakakuha na sila ng atensiyon sa ilang mga empleyado na naroroon. 

"I have to go." nagmamadaling sumakay na si Emer sa elevator ng bumukas.

Sumunod din si Dennis kay Emer. 

"Where are you going?" nakakunot ang noo ni Emer, nagtataka siya kung bakit pa siya sinundan ng lalaking ito.

"Ako na ang maghahatid sayo." balewalang sagot ni Dennis.

"I thought you're busy? kaya kong umuwi ng mag-isa."  pero sa totoo lang ay natutuwa si Emer sa ikinikilos ni Dennis. Lalo siyang nagkakaroon ng pag-asa na matututuhan din siyang mahalin nito.

Hindi na lang sya pinansin ni Dennis basta pinindot na lamang niya ang basement button. Minsan talagang alam na alam ni Emer kung paano siya aasarin. Hindi rin niya matanggap sa sarili na may ibang lalaking umaaligid sa dalaga. 

"Sa boutique mo na lang ako ihatid. Ayokong magpang-abot na naman kayo ni Mama sa bahay dahil sumasakit ang ulo ko sa inyo." Wala na ring magagawa si Emer kahit tumangi pa siya kay Dennis dahil alam niya ito pa rin ang masusunod. 

________________________________

A.N.

Sa mga comments na hindi ko po rereplayan pasensiya na po. Gustong gusto ko pong mag reply sa lahat ng comments pero talagang busy lang po ako..

Maraming salamat sa walang sawa ninyong pagsuporta.

Playful HeartWhere stories live. Discover now