Chapter 12: about to lose

Start from the beginning
                                    

Sinubukan kong gumalaw pero naramdaman ko na kumirot ang braso ko, dun ko napansin na may mga sugat ako, mga gasgas, maraming gasgas. Nagpanic ako ng makita ko ang mga sugat ko, pati sa ibang parte na rin ng katawan ko.

“Chloe?” sabi ng gwapong lalaki sa may sofa. Tumayo siya at nilapitan ako, kinamusta niya ko.

Kinusot ko ang mga mata kong nasisilaw sa sobrang liwanag, “A-Anong nangyari?”

“Naaksidente ka... coma ka for two days. But everything’s okay, you’re back...” sabay ngiti niya. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero iniwas ko Kagad, syempre hindi ko siya kilala eh.

“A-Ak... aksidente?”

“May masakit ba sa’yo?”

“Wala naman po...” bulong ko

“Po?” kinagulat niya ang magalang kong pagsagot.

“Sorry po pero, sino ka po ba?”

Bigla siyang natigilan. Tinignan niya ko saglit, inaakala niya siguro nagbibiro lang ako. “You’re joking right?”

“Huh?” umiling ako ng dahan-dahan

Then biglang bumukas ang pinto at bumungad sa’kin ang apat na taong gulat na gulat na makita ako. Niyakap ako kagad nung babae, na parang kasing edad ko lang. Sa sobrang saya niya na makita raw ako ng gising ay hindi niya mapigilang umiyak.

“Thanks but... Sino ka ba?”

“What? Chloe, ang korni mo!” sabi ng babae

“Chloe...? kilala mo ko?”

Natawa siya. “Oo naman, best friend kita! Ano ka ba?”

“Beth,” sabi nung lalaki kanina, “Hindi ka niya kilala...”

“Ha? Anong hindi kilala?”

“Wala atang naaalala si Chloe...”

“Christian, Hindi magandang biro yan!”

Napasandal sa pader yung lalaking nakapolo at natahimik na lang. Actually,Natahimik ang lahat at napatitig na lang sa’kin Habang yung isang lalaki sa likod na parang kasing edad ko rin ay biglang lumabas at tumawag ng doctor.

Dali-dali din namang may dumating na doctor at nurse after a few minutes.

“Doc, akala ko ba okay lang ang anak ko?” sabi ng matandang lalaki

Nilapitan ako ng babaeng doctor at tinignan ang lagay ko. Tinanong niya rin ako kung ano ang mga masakit sa’kin at ano ang mararamdaman ko.

~

After ng ilan pang test, dinala ako sa isang private room, kasama nung dalawang lalaki na hindi ko kilala habang yung magulang ko, I think, ay nandun sa labas kausap ang doctor tungkol sa mga naging resulta nung test.

“Sino kayo?” tanong ko sa dalawa

Nagtinginan sila muna then nagsimulang magsalita yung lalaki kanina na una kong nakita.

“Ako si Christian, siya si Jake.”

“Ahm... okay. Kaano-ano ko kayo?”

“Ako school mate mo ko, kapatid ko siya...” paliwanag nung Jake

“Eh ikaw?” tanong ko kay Christian

Dear DiaryWhere stories live. Discover now