Chapter 98: A Date to Remember (Part 2)

38K 998 170
                                    

SPRING’S POV

“SAAN ba tayo pupunta?” tanong ko kay Torn nang mapansin na hindi sa kuwarto ko ang tungo namin pero patuloy lang siya sa pagtulak ng wheelchair.

Nakarating kami sa double door at kumunot ang noo ko nang mapagtanto na nasa auditorium kami ng hospital. “A-Anong ginagawa natin dito?”

“You’ll see…” tugon niya sabay bukas ng pinto. Onti lang ang liwanag sa loob. Patuloy si Torn sa pagtulak sa wheelchair ko hanggang sa huminto kami sa gitna.

“T-Tay…” nasambit ko nang makita na hindi lang kami ni Torn ang nasa loob ng auditorium.

Inilibot ko ang tingin sa harap at nandoon sina Rain, Summer, Tita Amethyst, Lola at maging si Tita Snow. Maging sila Paupau at Kuya Paeng isama pa si Nurse Joy na katabi si Nurse Michael. Natawa ako nang itaas niya ang kamay niya na kaholding-hands ang lalaking katabi. Kumpleto ang lahat maliban sa Nanay.

“She’ll be coming…don’t worry.” Bulong sa akin ni Torn nang makita marahil na inilibot ko ang tingin sa loob ng auditorium.

“A-Ano bang ginagawa natin dito?”

“We’ll be watching a performance…” pagkasabi ni Torn ay iniharap niya ang wheelchair ko. Dumilim ang paligid at ang tanging ilaw ay nasa stage.

Napahawak ako sa bibig ko nang lumiwanag ang stage at nag-umpisang sumayaw ang HDT. Paglingon ko ay wala na si Torn sa tabi ko kung hindi nasa harap na siya kabilang sina Charm.

“Enjoying?”

Napalingon ako sa gilid ko nang marinig ang bulong sa akin.

“Cane?”

“At your service…” yumukod pa siya na ikinatawa ko.

Napatigil ako sa pagtawa nang itulak niya ang wheelchair ko. “W-Where are we going?”

“You said that you want to dance with him?”

Umiling-iling ako at kinabahan nang makitang patungo nga kami sa stage. Unti-unting tumigil sa pagsayaw sina Torn kasabay nang pagtigil ng tugtog.

“I-I can’t dance…not in my situation.”

“You can…because you’re not alone. You’re with him…”

Nang maipanik niya ako ay huminto kami sa gitna ng stage kung nasaan mag-isa na lang si Torn.

Maluha-luha kong binalingan si Cane. Naalala ko ang mga sinabi ko sa kanya bago ako makatulog. He’s fulfilling my wishes. What did I do to have someone like him?

“Iiyak ka na naman…”

“T-Thank you…so much.”

Yumukod lang siya at ngumiti matapos ay tinapik niya si Torn bago kami iniwang dalawa.

“May I have this dance?”

(My one and only you-Julie Ann San Jose cover)

It took one look
and forever lay out in front of me
One smile, then I died
Only to be revived by you

There I was
thought I had everything figured out
goes to show just how much I know
bout the way life plays out

 “How can we dance like this Mister?” natatawa pero maluha-luha kong saad. Yumuko siya at namula ko nang hawakan niya ang bewang ko.

“W-What are you doing? N-Nakikita tayo nila Tatay…”

“I already have their permission.” Bago pa ko muling makasalita ay dahan-dahan niya akong itinayo.

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now