Chapter 87: It's nothing.

39.2K 1.2K 182
                                    

Since hindi na ako nakakapagdedicate dahil palaging mobile ang gamit ko. Comment those persons na gustong magpabati sa next chapters! If possible name ninyo na lang 😉

Shameless promotion: Para sa mga hindi nakakaalam, published na po ang first book ko here in Wattpad entitled A Wife's Secret under Psicom Publishing at available na in nationwide bookstores! Bili po kayo 😂

SPRING's POV

Spring, what are you doing?! Why are you letting him kiss you? Moreover, why are you kissing him back?! Wake up! Mali ang ginagawa ninyo!

No matter how much my mind hates what we're doing, my traitor heart won't follow what my brain wants.

I just need to escape the reality for a while...and right now, kissing him was my escape.

Marahan ang paggalaw ng labi niya sa labi ko. Hindi ko alam kung paano humalik pero tila may sariling buhay ang labi ko. Tila isang sayaw na hinahayaan kong tangayin niya ako.

Ngunit isang nakabibinging tunog mula sa bulsa ko ang nakapagpagising sa ginagawa ko. Mabilis kong naitulak si Torn nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko kasabay ang malakas na ringtone nito.

Napahawak ako sa dibdib ko at naramdaman ang malakas na kabog ng puso ko. Hinihingal ako pero wala na ang paninikip sa dibdib ko. Nagkatinginan kami ni Torn, napapikit siya at tinangkang lapitan ako pero mabilis akong tumayo.

Parang isang cycle, kung kanina naghahanap ako ng panandaliang paraan para makatakas sa nalaman at nakita ko, ngayon naman ay gusto ko namang takasan ang taong pansamantalang nakapagpawala sa mga nalaman ko.

Nanginginig ang kamay kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko. Tila wala sa sarili kong sinagot ang tumatawag sa akin.

"Princess, where are you?"

Tila nabalik sa reyalidad na tiningnan ko kung sino ang tumatawag sa akin. Dalawang tao lang ang tumatawag sa akin na 'Princess' at hindi ang Tatay ko ang tumatawag sa akin.

"Trent?"

"At your service. So where are you my dear cousin?"

Napalunok ako at sinulyapan si Torn na nakatingin pa rin sa akin.

"I-I'm at the hospital..."

"Uhuh, where exactly are you?"

Iniwas ko ang paningin kay Torn. "Nasa hospital nga..."

"Then bakit hindi kita nakikita rito sa kuwarto ni Tito?"

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. "Y-You're back?!"

"Yep, and we've been waiting for you for almost an hour--"

"I-I just bought something, p-pabalik na rin ako..."

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Trent at mabilis kong ibinaba ang cellphone ko.

Huminga ako nang malalim at saglit na sinulyapan si Torn. Nang makita na lalapit siya sa akin ay mabilis akong tumalikod. Nakakailang hakbang pa lang ako nang hawakan niya ang palapulsuhan ko.

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя