Chapter 93: One Day Happiness (Part Two)

41.5K 1.3K 724
                                    

TORN's POV

"STOP the car..." saad ni Spring ilang minuto matapos naming bumiyahe paalis sa kinainan namin.

"Why?" mahina ang boses kong saad.

Nagbago na ba ang isip niya?

"May bibilhin lang ako,"

"Anong bibilhin mo? Just tell me—"

"Huwag nang makulit, pakitabi na lang diyan sa drugstore." Pagturo niya sa madadaanan naming drugstore.

"Are you still feeling sick? Mahaba ang biyahe pa-bulacan, why don't you just take a rest?" saad ko bago siya bumaba ng kotse.

She looked at me then she smiled. "I'm fine...but if you're busy you can just—"

"Bilhin mo na kung anong bibilhin mo at baka hapunin na tayo sa daan." Pagputol ko sa sasabihin niya. Muli siyang ngumiti at tumawa.

Her smile.

Her laugh.

Her eyes.

It's different today.

It's painful to look at.

It's not her usual smile and laugh. Pakiramdam ko pinapakita niya lang ayos siya. Pinapakita niyang hindi siya apektado sa nangyayari sa amin pero alam kong nahihirapan na siya at kasalanan ko 'yon.

Napangiwi ako at napasandal sa kinauupuan nang maramdaman ang pananakit ng tiyan ko. I don't want that breakfast to end kaya para akong hindi pinakain ng ilang linggo at patuloy akong umorder. Kahapon nang malaman kong hindi siya pumasok sa HU at wala rin siya sa bahay nila, pakiramdam ko mababaliw ako kakahanap sa kanya.

Hindi ko magawang lumapit sa kanya pero sapat na para sa akin ang makita siya. Kaya nang mawala siya sa paningin ko hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanya. I don't know what's gotten into me at naisipan kong hanapin siya sa mga hospital na malapit sa bahay nila. I can't say that I felt relief when I found her. It's the other way around. Natakot ako. Katulad ng takot na naramdaman ko noong nabaril siya ilang buwan na ang nakakalipas.

How could I fall for her?

I actually don't know how.

I didn't even expect that I will love again.

More like, I didn't expect that I'll fall for her harder than Storm.

I want her to be with me.

Pero ayoko nang mahirapan pa siya. This will be our last time.

But if she said that she also wants to be with me. Then no one can stop me and I'll make sure that we'll be together until the end.

Umiling ako at mapait na napangiti habang naiisip na imposibleng mangyari iyon.

Because Spring Cruz is the most selfless person that I have ever met in my life. Hindi ako kailanman ang pipiliin niya.

Nabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ang pagbukas-sara ng pinto ng kotse ko. Umayos ako ng upo at tiningnan ang inaabot niya sa aking botelya.

"Drink that." utos niya at nang makitang wala akong balak tanggapin ang inaabot niya ay inabot niya ang kamay ko at inilagay roon ang botelya na hawak niya.

Napangiwi ako nang makitang gamot iyon. Damn. I hate medicines. Especially if it's a liquid.

"I'm fine. Hindi ko kailangan--"

"Drink that o ihatid mo na lang ako sa bahay namin. You will not drive in that state Helios." matapang ang boses niyang saad.

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now