Chapter 80: Last Time.

43K 1.2K 284
                                    

Spring's POV

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Raven sa amin ni Torn habang may mapaglarong ngiti sa labi niya. Napapitlag ako nang akbayan ako ni Torn. Tinangka ko iyong alisin pero mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakaakbay sa akin.

"Chill! I'm just asking for her number. It's not as if I asked her on a date." Tumatawang saad ni Raven kay Torn. Dumako ang paningin niya sa akin, "Maybe I'll just get your number some other time." Aniya at kinawayan ako bago kami tinalikuran at dumiretso sa kotse niya. Ni hindi na ako nakapagsalita hanggang sa pinaandar na niya ang sasakyan.

Nang makaalis si Raven ay padaskol kong tinabig ang kamay ni Torn sa balikat ko. "Ano bang problema mo?" inis kong saad kay Torn at nilagpasan siya.

"Saan kayo galing? Bakit kayo magkasama?" magkasunod niyang tanong at hinawakan ang palapulsuhan ko. Tiningnan ko siya at matalim ang tingin niya sa akin partikular sa suot ko.

"Don't tell me, nakipag-date ka sa kanya?" nahihimigan ang sumbat sa boses niya. Hindi ko iyon maunawaan sapagkat wala siyang karapatang magalit kung makipag-date man ako sa iba.

Huminga ako nang malalim. "Just go home, Torn. I'm tired."

Hinila ko ang kamay ko pero hinigpitan niya lang ang kapit doon.

"Torn! Ano ba?! Nasasaktan a-ako!" nangingiwi kong saad.

Nang bitiwan niya ang kamay ko ay mabilis kong hinimas ang nasaktan kong palapulsuhan. Pagtingin ko ay namumula na 'yon.

"I'm sorry," saad niya na halos hindi umabot sa pandinig ko sa sobrang hina ng boses niya.

Tiningnan ko lang siya at napailing. Tumalikod ako at may pagmamadaling pinindot ang intercom sa labas ng bahay. Nang masabi kung sino ako ay dali-daling bumukas ang gate. Nakita kong nagtungo na siya sa kotse niya. Sa pag-aakalang hindi na susunod sa akin si Torn ay walang lingon akong pumasok sa loob.

"Spring! Kasama mo ba 'to?" tanong ni Mang Cosme. Sa paglingon ko ay nakita ko si Torn na hinarang ni Mang Cosme.

Napabuntong-hininga ako at naglakad pabalik. "Tornado! Sinabi nang umuwi ka na, please—"

"I'm here to give this to you." Inilahad niya ang medyo makapal na long envelope sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Ano 'yan?"

"You'll know when you open it," nakangising aniya.

Kukunin ko na sana iyon nang iiwas niya. "Akin na. Tapos umalis ka na." walang emosyon ang boses kong saad.

"Nauuhaw ako. Painumin mo muna ako puwede?"

Huminga ako nang malalim at tumalikod, "Kung ayaw mong ibigay, bahala ka sa buhay mo. Marami kang pera kaya mong lumaklak ng mga mamahaling inumin pag-alis mo." Masungit kong saad.

It's dangerous being near with him.

Dangerous for my heart. For my feelings.

"Just spare me a goddamn ten minutes and I'll f*cking leave!"

"Sir, ayaw ho kayong makausap. Umalis na po kayo,"

"Shut the f*ck up!"

"Aba't 'wag n'yo ho akong mamura-mura! Sinabi nang umalis na kayo, eh!"

Napapikit ako at napahinto sa paglalakad. Lumingon ako at inis na napapadyak nang makitang nakikipag-away si Torn kay Mang Cosme. Kilala ko si Mang Cosme, ang huli niyang binugbog na nangungulit na manliligaw ni Summer ay inabot ng ilang linggo sa hospital.

"Mang Cosme! Ako na hong bahala. Mag-uusap na po kami." Dikit na dikit ang labi kong saad sa inis kay Torn na mayabang na inayos ang nagulo niyang t-shirt.

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara