Chapter 6: Fate (Part 2)

64.9K 1.9K 57
                                    

"I told you many times na kaya ko namang maglakad. Ibaba mo na lang ako Trent." saad ko habang pasan-pasan ako sa likod ng pinsan ko.

Naglalakad na kami sa lobby ng bago niyang condo. Trent loves being independent kaya hindi na ako nagtataka kung umalis siya sa bahay nila Tita Snow at Tito Brent.

"Kaya mo? 'e pagbaba pa lang natin sa kotse muntik ka nang matumba kung hindi kita agad nahawakan. Just take a rest, Spring. At ano bang pinag-aalala mo? That your heavy? 'e mas mabigat pa nga sa'yo si Leo." tukoy niya sa labrador niyang alaga kaya naman tumahimik na lang ako.

Ang totoo niyan masama pa rin ang pakiramdam ko.

Pero hindi naman kasi 'yon ang inaalala ko. Naiilang ako sa mga taong tumitingin sa amin mula nang pumasok kami sa building na ito.

There's only two things na alam kong iniisip ng tao kapag nakita akong kasama ng mala-model kong pinsan.

It's either katulong ako ni Trent o girlfriend niya ako.

Wala man lang nag-assume na pinsan ko si Trent. Well, wala naman talagang maghihinala na magpinsan kami kung pagbabasehan ang mga hitsura namin.

At sa tingin ko ang panghuli ang nasa isip ng mga tao kaya naman hindi ko maiwasang hindi maging komportable.

Duh! Ang incest kaya 'non!

Napatigil lang ako sa pag-iisip at nakahinga ako nang maluwag nang makitang nasa harap na kami ng elevator. Sa wakas ay mawawala na sa paligid---

Kagya't akong napatigil sa iniisip ko nang bumukas ang elevator at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang bumungad sa amin ng pinsan ko.

Standing in front of us is Hurricane Helios.

What the--- Isa siya sa pinakahuling taong gusto kong makita ngayon! Pero tignan mo nga naman ang tadhana...

Hindi nakaligtas sa akin ang nagulat niyang mukha base sa bahagyang panlalaki ng mga mata niya. Pero agad din itong naglaho at napalitan ng masamang tingin.

Pero hindi ko alam kung para sa akin iyon o sa pinsan ko.

Kilala niya ba si Trent?

"Cane? wait--- Torn? Darn you---" hindi na natapos ng pinsan ko ang sinasabi niya nang lagpasan kami ni Cane pero hindi pa rin nakaligtas sa akin ang blanko at tila galit niyang paningin.

"Anong problema 'non?" nagtatakang tanong ni Trent habang hinabol pa ng paningin si Cane.

"K-kilala mo siya T-Trent?" nagugulat kong saad. Alam ko na 'oo' ang isasagot niya pero hindi ko pa rin naihanda ang sarili ko sa sinabi niya.

"He's Light's brother." saad niya sabay pasok sa elevator.

Pumikit ako at huminga nang malalim. "Who is L-Light?" tanong ko.

"Nakalimutan mo na? She's my girlfriend."

Napapikit ako at naalalang Light nga pala ang pangalan ng girlfriend niya na ikinukwento niya sa akin.

Darn, hindi na ako magtataka kung anong iniisip ng bad boy na iyon ngayon! Argh!

CANE

"SO babe... kailan ulit natin gagawin ito?" Napalingon ako sa babaeng hindi man lang nag-abalang takpan ang hubad niyang katawan habang nakahiga pa rin sa kama.

Sinuot ko naman ang damit ko at ngumisi sa kanya. "Never again. I'm done with you."

Napanganga siya sa sagot ko at binato ko nang nahagip na unan na nailagan ko at tumama sa pader. "Asshole!" sigaw niya sa akin.

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now