Chapter 97: Closure.

32.3K 927 69
                                    

SPRING's POV

"You really won't talk to me?"

Nagpanggap akong walang naririnig at itinuon ang atensyon sa pagbabasa sa librong hawak ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Nanay sa gilid ko.

"I won't talk to someone who's irresponsible..."

"I'm not. They don't need me--"

"They need you!"

Nakikita ko na ang pagkainis sa mukha ni Torn pero pinipigilan niyang masigawan ako. Kung hindi lang ako umaarteng galit natawa na ako sa hitsura niya ngayon.

"I just don't want to dance. Not now."

Another week passed by, they're trying their best to find a donor for me. But unfortunately, wala pa ring dumarating. My condition is getting worse day by day. Right now, I even have a nasal cannula because my heart is getting weak. Too weak that it's getting hard for me to breathe.

"Hindi dapat titigil ang buhay mo o buhay ninyong lahat para sa akin T-Torn..."

Tomorrow is the foundation of our school. May performance ang HDT at itago niya man sa akin alam kong kailangan siya ng grupo.

"Attend that foundation, Torn...I-I want to see you dance kahit sa video lang..." Ngumiti ako at inabot ang kamay niya. Marahan ko iyong pinisil at bibitaw na sana ako nang higpitan niya iyon.

I can't believe na ginagawa ko ito sa harap ng Nanay ko na tila nagpapanggap na walang nakikita at nakatutok ang atensyon sa palabas sa telebisyon.

"Fine...I'll do it for you..."

"What are you waiting for?"

"Bukas pa 'yon...I still have time to be with you."

Umiling ako at bumitaw sa kanya. "I know Mr. Helios that you're a one hell of a good dancer but still you need to practice..." nakangiti kong saad.

Mariin siyang pumikit pero sumusukong tumingin siya sa akin. "Fine. You win."

Hinalikan niya ako sa noo at nagpaalam kay Nanay. Nakangiti ko siyang pinagmasdan na umalis.

"You really love him..." hindi patanong na saad ni Nanay nang makaalis si Torn.

"Hindi ko nga rin alam Nay kung bakit...llang beses ko siyang tinulak palayo pero sa huli natalo pa rin ako ng puso ko. And I'm sorry Nay..."

Umiling si Nanay at masuyong hinaplos ang buhok ko. "Why are you sorry?"

"For being selfish kasi alam ko na nahihirapan si Vannie ngayon dahil sa akin..."

Naikuwento sa akin ni Light na nagpanggap si Cane bilang si Torn noong engagement party ni Vannie pero nadiskubre iyon ni Vannie at nagwala. And I felt sorry for her when I learned that she's suffering a depression and she's bipolar. I wanted to help her but this time I don't want to sacrifice my feelings for Torn.

"You're not selfish, Spring... And about Vannie, her dad called me Vannie is doing fine...He's planning to bring her to states."

Kumabog ang puso ko sa narinig ko. "S-Sasama po ba kayo?"

Umiling si Nanay. "I won't. Nangako ako sa 'yo hindi ba?"

"But Vannie, she needs you."

"But you need me, too. Kapag ayos ka na, dadalawin ko sila sa states...pero siyempre babalik ako. Para sa 'yo..." Ngumiti si Nanay at sinubuan ako ng orange.

I hope Vannie will be fine. She's such a sweet girl. Kung nagawa niya mang ipakalat ang video ko at ni Torn, pinapatawad ko na siya. At wala ng rason pa para malaman ni Nanay o ng ibang tao ang ginawa niya sa akin.

NAGISING ako sa haplos na naramdaman ko sa pisngi ko. Nagmulat ako ng mga mata para lang makita ang lalaki na naglalakad papunta sa pinto.

"C-Cane?"

Tumigil siya sa paglalakad pero hindi ako nilingon. Muli sana siyang maglalakad paalis nang muli akong magsalita.

"P-Please stay! Please, Hurricane..."

Lumingon siya pero hindi pa rin siya lumapit sa akin.

"H-Hindi naman nakakahawa ang sakit ko, bakit ang layo mo?" nagbibiro kong saad habang nangingilid na ang luha ko.

Ni wala pa ngang sampung hakbang bago makarating sa kinaroroonan ko pero ilang minuto ang nakalipas bago siya nakalapit sa akin.

Pinagmasdan ko si Cane nang tuluyan siyang makalapit. And it made me realize that he's not the same bad boy that I've met almost four years ago.

Tumagal ang titig ko sa tenga niya at napangiti ako nang makitang suot niya ang regalo ko.

"It suits you..." tukoy ko sa hikaw niya.

Hindi pa rin siya nagsasalita at nanatiling nakatingin sa akin. Malamlam ang mga mata niya at pinagmamasdan ang marahil ay humpak ko ng mga pisngi.

"I'm happy na d-dinalaw mo ako. I've been waiting for you...I w-want to say thank you. A-Akalain mo 'yon may mapapala naman pala ko sa pagiging racer mo 'eh. Siguro kung nahuli ng ilang minuto baka—"

"I'm sorry..."

Tuluyan nang nalaglag ang mga luha ko sa binitawan niyang salita. "Why are you sorry? Sa ating dalawa, a-ako lang dapat ang nagsasabi no'n."

Umangat ang kamay niya papunta sa akin pero ikinuyom niya iyon at mabilis na ibinaba. "Hindi mangyayari 'to kung hindi dahil sa akin...if only, hindi ako lumapit sa 'yo...hindi ka mapapasama sa gulo ng buhay ko...Sorry for blaming you just because you can't love me...sorry for those painful words I've said...sorry for meeting someone like me...sorry for loving you...sorry for--"

Nanghihina na hinila ko si Cane at nagpapasalamat ako nang siya na mismo ang gumawa ng paraan para mayakap ko siya. Kasi sa mga oras na 'to ang tanging gusto ko lang ay yakapin siya.

"F*ck, sorry...sorry kasi ang gag* ko..."

"Please Cane, stop saying you're sorry kasi tapos na ang lahat ng 'yon. At hindi man kita minahal katulad ng pagmamahal mo sa akin...I'm still happy that you became part of my life. You mean a lot to me, believe me..."

Umalog ang balikat niya at humigpit ang yakap sa akin. "I-I miss you..."

"I m-miss you too...hindi ko inakalang mamimiss ko ang pang-aasar mo sa akin. I never imagined na mamimiss kong tawagin mo kong tagsibol..."

"Tagsibol..."

Tumawa ako kahit patuloy sa pagtulo ang luha ko. "Stop crying, m-makakasama sa 'yo..."

"Titigil lang ako p-pag tumigil ka nang umiyak..."

Humiwalay siya sa akin at tumalikod. Natawa ako nang humarap siya sa akin matapos niyang punasan ang mukha niya.

"Sinong nagsabing umiiyak ako? Ano ko bakla, Tagsibol?"

Natawa ako at huminto na rin ang mga luha ko. "Wala na kong sinabi Hurricane, naniniwala akong hindi ka bakla. Wala naman sigurong bakla na babae ang inaagahan, tinatanghalian at baka nga rin minemeryenda?" nakataas kilay kong saad.

Nagkatinginan kami at sabay na natawa. Okay na ang lahat. Masaya kong okay na kami ni Cane.

I just hope makatagpo na rin siya ng babaeng mamahalin at aalagaan siya.

Ngayong ayos na ang lahat, handa na ako...Sa kung anumang mangyayari sa akin.

TBC

Happy New year! Oo na isa na kong 'scammer', sorry pinilit ko namang tapusin before this year ends 'eh. Pero kahit hindi siya natapos! Nakadalawang update ako oh! Achievement ni author 'to lol. Stay tune! Will update again by tomorrow! Hindi na po scam iyon. Wala na po akong balak na ipaabot 'to ng 2020. Hahahaha So much love for the supporter of this story. Mahal ko kayo~ Cheers for 2019! 

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now