Chapter 6: Fate (Part 1)

65.7K 2K 21
                                    

Nagising ako na pakiramdam ko umiikot ang paligid ko. Mabigat din ang ulo ko pati ang katawan ko. Napadilat ako nang maramdaman ko ang kirot sa kamay ko.

"Spring!" Hirap man ay binalingan ko ang tumawag sa akin at bumungad sa akin si Nurse Joy na namumutla at tila kinakabahan. 

"Nurse Joy... n-nasaan ako?" tanong ko bagama't may hinuha na akong nasa hospital ako base sa suwero na nakakabit sa akin. 

Tila naman nakahinga siya nang maluwag nang makitang gising na ako. "Nasa hospital ka. K-kabisado mo ba ang number ng Tatay mo? Tatawagan ko siya Spring." saad niya.

Umiling ako kahit na kabisado ko ang numero ng Tatay. Alam ko kasi na masyado lang siyang mag-aalala kung malalaman niya na nasa hospital ako. Muli akong pumikit nang maramdaman ko ang pagkahilo.

"Ganun ba? Siguro naman nasa cellphone mo ang number ng Tatay mo? Naiwan ko kasi sa clinic ang bag mo kaya iiwanan muna---" Hindi na natapos ni Nurse Joy ang sasabihin niya nang bigla akong bumangon. "Spring! ano ka bang bata ka, bakit ka bumangon?" 

Iginiya niya ako pabalik sa pagkakahiga at hindi na ako nagprotesta pa. "H-Huwag ninyo ng tawagan ang tatay Nurse Joy." mahina kong saad.

"Spring, sabi ng doktor kailangan---"

"Tawagan niyo ang number na 'to Nurse Joy..." saad ko at dinikta ang isa sa mga numerong kabisado ko.

Hindi na siya nagtanong pa at muling pinaulit sa akin ang number habang itinitipa ito sa cellphone niya.

Bagama't gusto ko nang pumikit at matulog ay inantay ko kung sasagutin si Nurse Joy nang tinatawagan niya. Nakahinga naman ako nang maluwag ng sumenyas si Nurse Joy na sumagot na ang kausap niya kaya agad kong inangat ang kamay ko at ibinigay naman niya sa akin ang cellphone.

"Hello, sino ba ito?" 

Nanghihina ako ngunit hindi ko maiwasang matawa ng marinig ang pagtatagalog ng kausap ko. Halatang hindi sa Pilipinas lumaki at may accent pa. "Princess?"

"Trent... b-busy ka ba?" Napaubo ako matapos kong magsalita. 

"I'm not. Why? Is there a problem? Are you okay?" 

"I'm fine pero pwede bang p-puntahan mo ko dito sa..." Tumingin ako sa kumot na gamit ko at binasa ang pangalan ng hospital na kinaroroonan  ko.

"What?! Hospital?! What happened?!" 

"Puntahan mo na lang ako Trent and please don't call Tatay. Bye."

Binaba ko na ang cellphone at hinayaan ko na ang sarili ko na lamunin ng antok.



"IS she okay? Bakit hindi pa din siya gising? Ano bang nangyari sa kanya?"

Nagising ako sa ingay at hindi ko maiwasang mapangiti nang makita kung paano sunod-sunod na paulanan ng tanong ni Trent si Nurse Joy na nakatulala lang sa mukha ng pinsan ko.

Inabot ko ang kamay ni Trent at marahang hinila ito na siyang nakapagpalingon sa kanya papunta sa akin. "Princess! Thank God you're awake!" aniya sabay halik sa noo ko.

Napangiti naman ako sa gesture ng pinsan ko. 

Hanggang ngayon ay hindi pa rin umiimik si Nurse Joy, marahil ay nagulat sa pagdating ni Trent. Saglit na lumabas si Trent dahil sa may tumawag dito at agad namang lumapit sa akin si Nurse Joy at tinanong ako ng tungkol kay Trent.

He's Trent Finn. Twenty-three years old. Half-American.

And he's my oh-so-hot cousin.

Trent and I are close. Sa US kami nagkakilala dahil doon sila dati nakabase ni Tita Snow--- ang kapatid ng Tatay. Isang taon din akong nanirahan sa U.S dahil sa operasyon na isinagawa sa akin noong bata pa ako kasama siya at ang parents niya. Though unlike Trent, hindi ako kailanman nagustuhan ni Tita Snow. Kaya naman malaki ang pasasalamat ko kay Trent dahil palagi niya akong pinagtatanggol sa Mama niya. 

Kahit na umuwi ako ng Pilipinas hindi pa rin kami nawalan ng komunikasyon ni Trent at sobrang saya ko ng mapagpasyahan nila na umuwi na ng Pilipinas three years ago.

Pero kahit close kami ni Trent hindi niya pa rin alam ang tungkol sa nangyayari sa akin sa HU.

Pagkabalik ni Trent ay umalis na rin si Nurse Joy pero bago iyon ay tinanong pa ako nito kung may kapatid pa daw ang pinsan ko na siyang ikinatawa ko. Pero sinagot ko din naman siya at sinabing wala at lulugo-lugo itong umalis.

"Are you hungry?" ani Trent.

Umiling ako. "Hindi ako gutom Trent. C-can I ask you a favor?"

Ngumiti siya. "Anything for you Princess."

"I don't want to be here in the hospital." 

Naglaho ang ngiti niya at umiling. "Anything except that."

Ngumuso naman ako. "Please Trent, I-I'm fine. Nakapahinga na ako at gusto ko nang umuwi."

"You're lying." nakasimangot niyang saad.

Fine. Masama pa rin talaga ang pakiramdam ko pero hindi na kasing-sama kumpara kanina.

Lumungkot naman ang mukha ko at nagtatampong tinalikuran siya. "Look Princess, you know that I'll do anything for you but you can't go home like that. Maiuwi man kita, paniguradong ibabalik ka naman dito ni Tito."

Humarap ako sa kanya nagtatakang tinignan siya. "At ano namang problema sa hitsura ko?"

"Aside from your wound at your head..."

"Hindi na ito mapapansin ni Tatay!" pagprotesta ko.

"Maputla ka pa sa papel."

"Problema ba iyon? Magme-make up ako!"

"You hate make-ups." 

"At kung itatago mo na may sakit ka walang mag-aalaga sa'yo."

"Trent... alam mo naman na hospital scares me a lot." malungkot ko na lang na nasabi.

Tumahimik siya at dahil alam ko namang talo na ako sa argumento namin, pumikit na lang ako. 

"Fine. You win Princess, I'll talk to the doctor. Inaantay pa nila ang resulta ng ct-scan mo at kapag nakitang walang problema roon, kung papayag silang umuwi ka na, iuuwi na lang kita sa condo ko."

Napadilat ako at matamis na binigyan ng ngiti ang pinsan ko. Sa una ay seryoso pa rin siya at mukhang hindi pa rin sang-ayon sa gusto ko pero maya-maya lang ay ngumiti na din siya. 














Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα