Chapter 38: The Reason Why.

53.3K 1.5K 62
                                    

Bakit nga kaya biglang bumait si Torn?

Pinagmasdan ko si Light na nagmamaneho papunta sa studio na magiging venue ng photo-shoot ng kambal. Iniisip ko kung anong ipinain ni Light sa kapatid niya para mapaamo ito. Kung sa ibang pagkakataon ay malamang na nunca na pumayag si Torn para sumama ako sa kanila.

Duh. Para kaya akong virus kung ituring ‘non. Pero kanina…parang normal lang para rito na nasa paligid niya ako. Nagawa pa nga niyang kumain ng breakfast kasama ako sa iisang mesa. At nagawa pa niyang…tumawa. Something is not right.

“So how’s school?”

I snapped out from my reverie when I heard Lights’ voice.

Nagkibit-balikat ako at ngumiti nang matipid. “Ayos naman. Things are getting better, Light. Especially this week…” sa huli kong sinabi ay lumawak ang ngiti ko nang maisip ang pagtatagpo namin ng kababata ko na si Paupau at Kuya Paeng.

Pero nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ang sinabi ni Cane sa mga ito. Paano kung may makaalam—

Napailing ako. Nah, siguro naman ay hindi ‘yon ipagkakalat ni Paupau at Kuya Paeng.

“Care to tell me why?”

Ikinuwento ko rito ang pagkikita namin nila Kuya at natuwa naman siya sa nalaman.
“That’s good to hear. I’m happy for you, Spring. So how about my brothers? Are they treating you well?"

Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya at inisip kung anong sasabihin.

Tumango-tango ako at bahagyang ngumiti. “Oo, okay naman sila, Light. Mababait sila sa akin.”

Kung ikukumpara naman sa trato ng mga ito sa akin sa loob ng tatlong taon, masasabi kong bumait na nga ang mga ito sa akin. Hindi na ako pumapasok nang naka-raincoat kasi wala nang nagbubuhos sa akin ng tubig na nung huli ay sinama na ang timba. Wala na ring namamatid sa akin kaya hindi na nadagdagan ang peklat sa tuhod ko. Hindi na rin namamantsahan ang uniform ko dahil hindi na ako nagiging human cake.

Sa madaling salita, gumaan ang buhay ko sa HU na hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko dahil ang kapalit naman nito ay iniisip ng mga estudyante na may relasyon ako kay Cane,

Sa tuwing naiisip ko ‘yon tumitindig ang balahibo ko. Dahil bukod sa malabo pa sa mata ko ang posibilidad na magkagusto sa akin si Cane, hindi ko rin siya type 'no.

“At alam kong ikaw ang dahilan ‘non kaya salamat.” Saad ko sa kanya dahil siya lang naman talaga ang dahilan kung bakit nagbago ang pakikitungo sa akin ng kambal.

Tumawa siya at saglit akong sinulyapan. “Aren’t you curious kung bakit nila sinunod ang gusto ko na maging mabait sa ‘yo?”

“Of course, I’m curious. Bakit naman hindi lalo pa at wala naman sa ugali ng mga kapatid mo na susunod sila sa ipag-uutos sa kanila lalo pa at involve ako doon.”

Saglit siyang nanahimik at tila may malalim na iniisip. “Do you want to know kung bakit nila ako sinunod?”

Natigilan ako sa tanong siya at inisip kung gugustuhin ko nga bang sabihin nito?

Pero bakit ko pa nga pala kailangan isipin pa gayong alam ko naman ang kasagutan doon.

“Yes, Light. I want to know.”

“It’s because of a woman named Storm.” Madiin ang pagkakabanggit niya sa huling sinabi niya at napansin ko pa ang paghigpit ng kapit niya sa manibela.

Storm…saan ko nga ba narinig ang pangalan na ‘yon?

Nanlaki ang mata ko nang maalala kung sino ang babaeng tinutukoy nito.

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now