Chapter 26:The Deal Between Them.

56.4K 1.5K 62
                                    


"SIS, huwag kang magulo...huwag kang kukurap okay?" saad ni Light habang minu-murder niya ang mukha ko gamit ang mga make-up niya.

Parang kanina lang ang tumatakbo sa isip ko ay ang magbasa ng bago kong hiniram na libro sa Library at mag-aral. Pero mahigit isang oras na ang nakakaraan napilit ako ni Light na sumama sa kanila sa bar.

Can you believe that?

Ako kasi hindi ko pa rin mapaniwalaan. Hindi ko mapaniwalaan na makakatapak ako sa isang bar. It is not my thing. I hate loud music though I love dancing (secretly). At siyempre kapag nasa isang bar ka, may alak at usok ng sigarilyo na hindi ko rin gusto ang mga amoy.

At ang mas pinakahindi ko gusto ay ang gawin akong manika ni Light na tuwang-tuwa habang kinukulayan ang mukha kong nag-uumpisa nang mangati.

"Papatunayan ko sa dalawang 'yon that you have what it takes para mag-party sa isang bar. You're pretty kaya."

Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Ako maganda? Kung maganda ko ano pa siya?

Huminto si Light sa paglalagay ng kung ano sa mata ko kaya naman nakahinga ako nang maluwag. Mukhang natapos na din siya. "You don't believe me?" ani Light na pinamewangan ako.

Napahawak ako sa batok ko at napatikhim sa tanong niya. "H-hindi naman sa gano'n pero hindi naman talaga ako magan--"

"Stop it Spring. You're beautiful, hindi ko alam kung bakit sinasabi mong hindi ka maganda pero hindi 'yon ang nakikita ko."

Napalunok ako at hindi ko maiwasang pamulahan sa sinabi niya. Hindi kasi ako sanay na may nagsasabi sa akin ng gano'ng bagay tungkol sa akin. Mas sanay pa akong marinig na matalino ako at bukod doon wala na.

"Look at yourself then tell me if I am really lying to you." Aniya at inikot ang kinauupuan ko at iniharap ako sa salamin ng dresser table niya. Pero hindi ko alam kung bakit kusang pumikit ang mga mata ko.

Siguro dahil ayoko lang ma-disappoint sa makikita ko...

"C'mon Spring, open your eyes. Don't you trust me?" Tila nagtatampong saad ni Light mula sa likod ko kaya naman dahan-dahan kong idinilat ang paningin ko.

At pinagmasdan ang babaeng nasa harap ng salamin... walang iba kung hindi ako.

Teka? Ako ba talaga 'to?

Kumurap-kurap ako at hindi pa ako nakuntento ay hinubad ko ang salamin na suot-suot ko at pinunasan ito gamit ang laylayan ng damit ko.

"See? I told you, you're pretty." Natatawang saad ni Light habang ako naman ay pinakatitigan pa rin ang mukha ko.

Mukhang worth it din naman pala ang ginawa ni Light sa akin. Ang makapal kong kilay ay pantay-pantay na. Ang mukha kong pagkaputla-putla ay tila naging masigla. At ang buhok kong palaging nakatali ay inilugay niya at kinulot ang dulo.

"Anong masasabi mo? You like it?" Nakangiting tanong ni Light at dahan-dahan akong tumango.

"S-salamat Light."

Magsasalita pa sana siya nang makarinig kami ng katok mula sa pinto. Nagmamadali naman niyang tinungo ang pinto at iniwanan ako.

Muli akong napatingin sa salamin pero napangiwi din ako nang makita ang mala-Lola Basyang kong salamin.

"And now, for our last step wear these things..." saad ni Light at kasunod niya sila Mr. Joe at ang dalawang kasambahay nila.

Isa-isang pinatong nila Mr. Joe ang mga bitbit nila sa mala-prinsesang kama ni Light pagkatapos ay nagpaalam na rin ang mga ito. Excited naman na kinuha ni Light ang maliit na box at lumapit sa akin.

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now