Chapter 70: Knowing the Truth

42.9K 1.7K 220
                                    

Spring's POV

CONTINUATION...

"Tita A-Amethyst... "

Naramdaman ko ang panlalamig ng kamay ko at ang paglakas ng tibok ng puso ko.

"S-Spring, I-I'm sorry, " matapos sabihin iyon ay pag-iyak na ang narinig ko mula sa kabilang linya.

Hindi ko alam kung para saan ang sorry niya. Pero nasasaktan akong marinig ang pag-iyak niya. Walang masamang ginawa sa akin si Tita Amethyst. Kahit na bunga ako ng pagkakamali ng asawa niya, hindi ko kailanman naramdaman ang panlalamig o pag-iba ng trato niya sa akin.

I remembered the first time I saw her, inaasahan kong susungitan niya ako katulad ni Summer pero lumapit siya sa akin at nginitian ako.

Nangilid ang luha sa mga mata ko at ilang saglit pa ay tumulo na rin ang luha sa mga mata ko.

"T-Tita why are you saying sorry?" Saad ko at hindi maiwasang maguluhan.

Isang malalim na buntong-hininga ang narinig ko. "F-For what happened to you. "

Napatda ako sa kinatatayuan ko.

Imposible. Ang sabi sa akin ni Trent ay hindi niya ipapaalam ang nangyari sa akin.

Papaanong?

Hindi... Baka iba ang tinutukoy ni Tita Amethyst.

"Tita...what do you mean?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Your cousin told us what happened to you weeks ago. Kung hindi pa sila nag-away ng Tita Snow mo sa biglaan niyang pag-alis, I doubt na sasabihin niya sa aming lahat ang nangyari sa 'yo. W-We were so busy blaming you for what happened with your Dad without even knowing that you almost died... And it's all my fault dahil pumayag akong maiwan ka..."

Hindi ako nakapagsalita at nanghihina ang tuhod kong napaupo ako sa buhanginan.

"T-Tita, it's not your fault." Nasabi ko nang makahuma sa pagkabigla.

"No, right from the start k-kasalanan ko. It's all because of my selfishness. W-walang kasalanan ang Tatay mo Spring, kasalanan ko lahat."

"Tita, don't say that kasi kami 'yung may kasalanan sa 'yo--"

"Listen to me S-Spring, matagal ko nang gustong sabihin sa 'yo lahat ng nangyari sa amin ng Tatay at N-Nanay mo pero wala akong lakas ng loob..."

Hindi ako nagsalita at hindi ko maiwasang kabahan sa susunod na sasabihin ni Tita Amethyst.

"Arranged marriage lang kami ng Daddy mo, a-at kaibigan ko si Luna...hindi pa man kami kinakasal ng Tatay mo, may relasyon na sila. At hindi ako tutol doon Spring, pumayag ako sa relasyong 'yon kasi may iba rin akong mahal. Lumubog ang negosyo ng pamilya ko at ang tanging solusyon lang para makaahon kami ay ang pakasalan ako ng Tatay mo. Ayaw ni Autumn pero nakiusap ako kay Luna, nangako akong m-magiging kasal lang kami sa papel ni Autumn. Makikipaghiwalay rin ako at hahayaan kong magkaroon pa rin sila ng relasyon..."

Pinigilan ko ang sarili kong maibagsak ang cellphone na hawak-hawak ko dahil sa mga sinasabi ni Tita Amethyst. All along, ang alam ko ay isang gabing pagkakamali lang ang nangyari sa Tatay ko at kay Nanay. Palaging ayon ang sinasabi ng lola ko hanggang sa lumaki ako.

"...pero naging makasarili ako. Hindi ko inaasahang mamahalin ko ang Tatay mo. I beg Luna to leave your Dad and I did everything para mahalin ako ng Daddy mo. I didn't know na buntis pala si Luna nang umalis siya. Until kontakin niya kaming dalawa ni Autumn, we found out about your existence and your condition. I was so scared na baka masira ang pamilya ko sa muling pagkikita nila, kasi lumipas man ang matagal na panahon, alam kong m-mahal pa rin ng Tatay mo si Luna." Isang hikbi ang kumawala sa bibig ko sa narinig ko.

"H-Hindi ka rin gustong iwanan ng Nanay mo, she begged us na ipagamot ka lang pero h-hindi ako pumayag. A-alam ko kasing ikaw ang magiging tulay para hindi maputol ang koneksyon nila. A-ako 'yung nagpumilit sa Tatay mo na kunin ka, binantaan ko siya na kapag hindi niya g-ginawa 'yon, aalis ako at hindi niya na makikita ang mga kapatid mo...I-I'm sorry Spring, hindi gusto ng Tatay mo na ilayo ka sa Nanay mo. I-It was all because of me. Hindi ko hinihiling ang patawarin mo ko, I just want you to know that I really feel sorry Spring for everything that I've done. "

Hindi ako nakapagsalita at ang tanging nagawa ko lang ay umiyak nang umiyak. Parang may pumipiga sa puso ko sa mga nalaman ko but more than that parang may mabigat na nawala sa dibdib ko knowing na hindi pala ako bunga ng tawag lang ng laman. Nabuo ako dahil sa pagmamahalan na meron ang magulang ko.

"T-Tita thank you for telling me the truth. I know you're guilty about everything pero 'yung pagmamahal at pag-aalaga na binigay mo sa akin sa kabila ng lahat, sapat na 'yon para hindi ako magtanim ng sama ng loob sa 'yo. Hindi kita kailangang patawarin kasi kailanman hindi ako magagalit sa 'yo."

Nanahimik sa kabilang linya, at ibaba ko na sana ang cellphone ko pero muli siyang nagsalita.

"Thank you Spring... But more than that thank you for staying alive...I already talked with your Lola, aantayin ka namin dito. B-But Rain insisted na uuwi siya diyan to take care of you."

Umiling-iling ako. "Tita, a-ayos lang po ako rito. A-ako ang maghihintay sa pagbabalik niyong lahat kasama si Tatay. Pakisabi na rin po kay Rain--"

"Your sister already booked her flight for tomorrow. You know how stubborn she is. A-ayos na ang lahat sa pagbabalik mo sa bahay natin, Spring. Please go home, and wait for us. Alam kong hindi na magtatagal at makakauwi na rin kami."

Nagpaalam na si Tita Amethyst at nakatulala kong naibaba cellphone ko.

Yumuko ako at napayukyok ako sa tuhod ko. Muli akong napaiyak pero may ngiting gumuhit sa labi ko.

Go home and wait for us...

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ang tanging gusto ko lang ay umiyak. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa mga nalaman ko.

For the first time in my life, I was not blaming my existence in this world.

Hindi ko alam kung gaano ko katagal sa posisyon na iyon habang patuloy sa pag-iyak. Naramdaman ko na lang na may nagpatong ng kung ano sa balikat ko. Pagtingin ko ay jacket pala.

Hindi ako tumingala pero pinigilan ko ang sarili kong humikbi.

"Why are you crying, again?"

Tumingala ako at tinignan ang lalaking naupo sa tabi ko. It's Torn. His stares, it's different. It's gentle and sympathetic.

Umangat ang kamay nito papalapit sa pisngi ko pero nang mapunta roon ang tingin ko ay mabilis niyang ibinaba iyon at inalis ang tingin sa akin.

"Tss, don't cry. Panget ka na nga mas lalo ka pang pumapanget." aniya at may inabot sa akin.

Pagtingin ko ay isang lollipop ang inaabot niya.

"A-ano ko bata?" Tila ngongo kong saad dahil sa barado kong ilong.

"Tss. Ayaw mo?" Aniya at ilalayo na sana sa akin ang lollipop pero mabilis kong kinuha 'yon.

Binuksan ko ang lollipop at isinubo iyon. Dumaloy sa isip ko ang panahon na binibigyan din ako ng lollipop ni Tita Amethyst noong bata pa ako sa tuwing inaaway ako ni Summer, umiiyak ako at yayakapin ako ni Tita Amethyst tapos siya ang hihingi ng sorry sa akin.

Kahit ano pang nalaman ko, hindi pa rin no'n masisira ang tingin ko kay Tita Amethyst. Siya pa rin ang tumayong pangalawang ina ko.

"Aish! Bakit ka na naman umiiyak?" Hindi ko pinansin si Torn at nagpatuloy lang ako sa pag-iyak.

Akala ko ay iiwanan niya ako pero nagulat ako nang hilahin niya ako papalapit sa kanya. Mas nagulat ako nang maramdaman ko ang pagtapik niya sa likod ko.

Hindi siya nagsasalita, lalayo na sana ako pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko at ibinaba ang ulo ko sa balikat niya.

"Just cry. This will be the last time I'm going to lend my shoulder for you to cry on."

After what he said, I started crying again.

TBC

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now