Chapter 91: Let's runaway.

41.4K 1.1K 173
                                    

Sorry as in sorry for not updating this story for almost a month! I've been so busy with christmas events and sadly namatay iyong uncle ko kaya mas lalo kong hindi nakapagsulat :( Idagdag pa na wala ako sa mood na magsulat. I just lost the passion in writing this story but rest assured tatapusin ko po ito. Naghahanap lang ako nang mapagkukuhanan ng inspirasyon. Because just like you guys, mahal ko rin ang mga characters ko hindi lang halata 😂 Salamat sa mga comments na nababasa ko mula sa inyo :)

SPRING's POV

"Angel--I mean Spring hindi ka ba kakain?"

Napahinto ako sa page-encode nang marinig ko ang boses ni Paupau mula sa likuran ko. Doon ko lang namalayan na alas-dose na pala ng tanghali dahil natuon ang atensyon ko sa mga pinapagawa sa aking trabaho.

Nilingon ko si Paupau at umiling. "Hindi pa k-ko gutom, eh." saad ko sa gitna ng pag-ubo.

"Pero iinom ka ng mga gamot mo kailangan mong kumain..."

Natigilan ako sa sinabi ni Paupau at napatingin sa bag ko. Doon ko lang napagtanto na kaninang umaga pa ako hindi nakakainom ng gamot ko.

"Don't tell me nakalimutan mo?"

Napakamot lang ako sa batok ko at dahan-dahan na napatango. Tatayo na sana ako nang pigilan niya ako.

"Stay here...ako na lang ang bibili ng pagkain mo tutal sa cafeteria rin naman ang punta ko."

Mabilis kong kinuha ang wallet ko pero bago pa ako makakuha ng pera ay mabilis nang lumisan si Paupau. Napapabuntong-hininga na napayukyok ako sa lamesa nang makaramdam ng hilo. Hinipo ko ang noo ko at nadama ang init nito. Naka-jacket na ko pero dama ko pa rin ang lamig. Pumikit ako at hinintay na mawala ang hilo ko.

Ilang minuto ang lumipas at bago pa ko tuluyang makatulog ay tumayo ako at nagpunta sa rest room. Pagbalik ko sa cubicle ay nakita ko ang sandwich na nasa table ko at isang bote ng lemonade juice.

"Si Paupau talaga inuna pa ko bago muna siya kumain..."

Wala kong panlasa pero pinilit kong makalahati ang sandwich. Nang matapos sa pagkain ay ininom ko ang mga gamot ko na nadagdagan pa dahil sa ubo at lagnat ko. Kaya hindi na nakakapagtaka na antukin ako. May tatlumpung minuto pa ako para matulog kaya naman sinet ko ang alarm at yumukyok sa table ko.

Unti-unti akong nilamon ng kaantukan. Sa tuluyang pagdilim ng paningin ko ay naramdaman ko na may naglagay ng jacket sa balikat ko. Pero imbes na dumilat at tingnan kung sino iyon ay hinapit ko ang jacket sa katawan ko at tuluyang nakatulog.

Tunog ng alarm sa cellphone ko ang nakapagpagising sa akin. Ramdam ko ang unti-unting pagginhawa ng pakiramdam ko.

"Mabuti naman gising ka na...kumain ka na nang makainom ka ng gamot."

Nilingon ko si Paupau at napakunot ng noo. "Huh? Kumain na ako hindi ba't--" Napahinto ako sa pagsasalita nang makita ang sandwich na hindi pa nababawasan sa lamesa ko at isang juice. Binalingan ko ang ilalim ng mesa ko at nakitang nandoon pa rin ang kinain ko kanina. Kung ganoon sino ang nagdala ng pagkain sa akin?

"You already eat?"

Tumango ako sa tanong ni Paupau at nang mapansin ang pagtitig niya sa balikat ko ay napatingin ako roon at nakita ang jacket na nakapatong sa balikat ko.

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon