Chapter 74: Happenings.

51.7K 1.5K 164
                                    

SPRING's POV

"Spring..." napalingon ako sa pinto mula sa pagtitig sa librong hawak-hawak ko.

Alanganin akong ngumiti kay Light na lumapit sa akin at naupo sa gilid ng kama. Nasa balkonahe ng kuwarto na kinaroroonan ko si Nurse Joy at busy sa pagkausap kay Nurse Michael na boyfriend na pala nito. Isinara ko ang libro at doon ko lang napansin na ilang minuto na pala akong nasa isang pahina ng librong binigay ni Raven. Hindi ko pa rin ito natatapos.

Gusto kong mawaglit sa isipan ko ang mga naganap kanina kaya ibinaling ko ang atensyon sa libro but it's useless, my mind is spacing out about what happened. Pakiramdam ko rin nakadikit pa rin sa labi ko ang labi ni Cane—

"Spring..."

Umiling-iling ako at kakamot-kamot ang batok na binalingan ko si Light.

"Okay ka lang?" may pag-aalala sa boses na saad ni Light.

Hindi ako nakasagot at ibinaba ang libro kong hawak.

"Silly me, I know you're not okay and it's all because of my brothers."

Pilit ang ngiti kong binalingan si Light. "I'm fine Light. P-Pasensya ka na rin, I think kasalanan ko kung bakit nag-aaway sila T-Torn at C-Cane."

"I should be the one to say sorry, may sasabihin ako sa 'yo and I hope you'll not hate me sa malalaman mo."

Kumunot ang noo ko, "A-Ano 'yon?" kinakabahan ang boses kong saad.

I remembered Tita Amethysts' confession last night, even Canes' confession and Torn being not allergic with peanuts. I think I'm not yet ready hearing another one.

"Actually, sinadya kong paglapitin kayo nila Torn at Cane." Nakita ko pa ang pagpikit ni Light na mukhang natatakot sa magiging reaksyon ko.

Huminga ako nang malalim. "A-Alam ko..."

Dumilat si Light at gulat na binalingan ako. "Alam mo?"

Tumango-tango ako at alanganing ngumiti. I'm not that dumb para hindi mapansin ang actions ni Light. Noong pinasabay niya ako kay Cane. Noong nalasing ako, even that day na ginawa niya akong model. Later on, I realized na sinadya niya ang mga pangyayaring iyon. Though I don't know the reason why.

"Pero bakit? Ayon ang hindi ko alam."

Bakit nga ba ngayon ko lang natanong ito kay Light?

"Nagbago sila Torn at Cane dahil sa dalawang babae...Si Torn dahil kay Storm...at si Cane..."

Nahinto sa pagsasalita si Light na tila iniisip itutuloy pa ba niya ang sasabihin.

"Kay Ali?"

"Nakuwento niya sa 'yo si Ali?"

Tumango ako. "At alam mo kung anong nangyari sa kanya?"

Tumango ulit ako. "S-She killed herself ayon kay Cane."

Mapait na ngumiti si Light. "Ali was a sweet girl. I actually like her, I treated her as my sister. Simula pagkabata hindi na mapaghiwalay silang dalawa ni Cane. Did Cane told you why Ali killed herself?"

Umiling ako.

"She killed herself with the thought na sa pagkawala niya magiging maayos ang lahat, na babalik ang stepmother niya sa pamilya ng Daddy niya. Illegitimate child si Ali and she had always thought that she was the reason kung bakit nagulo niya ang buhay ng iba."

Tumingin sa akin si Light. "She was like you. A selfless girl."

May kumirot sa puso ko sa sinabi niya.

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα