Chapter 41: Things are getting better... or not?

54.7K 1.4K 68
                                    

MONDAY MORNING...

Antok na antok ako habang sinusuklay ang buhok ko. Ang gusto ko na lang gawin ay humilata sa kama at maghapong matulog pero dahil isa akong ulirang estudyante, papasok ako umaraw man o bumagyo.

Puyat ako o mas tamang sabihing hindi ako nakatulog kagabi.

Napabuntong-hininga ako matapos maalala ang dahilan nang kawalan ko ng tulog.

Ang modeling stint na ginawa ko kahapon. Tapos ang naka-partner ko pa ay si Torn. Si Torn of all people! Buti sana kung simpleng mga pose lang ang pinagawa sa amin. Kumusta naman ang pag-upo ko sa kandungan niy, back-hug at ang pagbuhat niya sa akin?

Maisip pa lang 'yon ay nag-uumpisa na namang mamula ang mga pisngi ko. Umiling-iling ako. Kung iisipin ko 'yun buong araw, baka wala akong magawang matino sa school.

"Meow..."

Binuhat ko si Kitty at inilagay ko siya sa kandungan ko. "Hay nako, Kitty...ano bang trip ng tadhana at bakit lagi kaming pinaglalapit nila Torn at Cane?" parang tanga kong pagkausap sa pusang tanging ngiyaw lang naman ang sagot sa akin.

Napatigil ako sa pakikipag-usap sa pusa nang bumukas ang pinto ko at iniluwa nito si Light na posturang-postura at ngiting-ngiti.

"Good morning Spring!"

"Good—" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang hindi ko mapigilang humikab.

"Mukhang antok na antok ka ah."

"Medyo. Hindi kasi ako nakatulog."

Tumango-tango siya. "Hindi ka ba pinatulog ni Torn?" may himig pang-aasar niyang saad.

"EH?! Bakit naman napasok 'yung kapatid mo rito?"

Nagkibit-balikat siya at tumawa na siyang nakapagpailing sa akin. Nag-uumpisa na naman kasi siyang itukso ako sa mga kapatid niya. Kahapon kay Cane, ngayon naman kay Torn?!

Seriously?!

"By the way, I'm here to give this to you." Aniya sabay abot sa akin ng sobre.

"What's this?"

"Open it." Tila excited niyang saad sa akin.

Pagbukas ko ay nanlaki ang mata ko nang makita ang isang tseke worth fifty thousand pesos.

"Para saan 'to?"

"For a job well done yesterday. Of course, I will pay you."

Umiling ako at tinangkang ibalik dito ang sobre. "Light, you don't need to pay me. Pinapakain at binigyan—"

"Nah. Just accept it. Kung 'yung mga kapatid ko nga binayaran ko, ikaw pa ba? Pinaghirapan mo 'yan so you deserve it."

Nahihiya akong tanggapin ang ibinibigay niya dahil kung tutuusin ayaw din niyang tanggapin ang perang ibinibigay ni Trent sa pakikituloy ko sa kanila. At isa pa, hindi ko naman kailangan ng pera. Oo nga at itinakwil ako nila Lola pero may isang bank account at card na ibinigay sa akin ni Tatay na siyang ginagamit ko. At hindi maipapa-close nila Lola 'yon dahil na rin sa wala ang consent ng Tatay. Sobra-sobra ang pera ko kung tutuusin dahil wala rin naman akong binabayaran sa HU dahil sa scholarship ko.

"Pero—"

"Oooops... Enough with this argument. Baka malate ka na sa school mo at ako naman sa work ko. Fix your things at bumaba ka na para makakain na tayo ng breakfast."

Napailing na lang ako nang umalis si Light sa kuwarto ko. Pinakatitigan ko ang tsekeng hawak-hawak ko at napangiti ako nang maisip kung saan ko gagamitin ang perang ito.

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum