Chapter 94: Giving up.

34.9K 1.1K 250
                                    

SPRING'S POV

Nagising ako sa pamilyar na lugar. Puti ang paligid at ayon na naman ang nakasanayan ko ng kirot sa kanang kamay dahil sa nakatusok na naman doon. Mapait akong napangiti, nasa hospital na naman ako. Gusto kong isipin na ang hospital na 'to ay parehas sa pinuntahan ko nung isang araw.

Na nanatili lamang ako rito at walang nangyari kagabi. Pero malinaw pa ang alaala ko. Puso ko lang ang may problema hindi ang utak ko. Pumikit ako at muling naalala ang hitsura ni Torn kagabi. He was in pain while begging me to be with him. And if only I have a choice I would spend not just a day with him. Pero anong silbi ng pananatili ko sa kanya kung paghihirap lang din ang mararanasan niya kapiling ako. Kung sa huli iiwanan ko pa rin pala siya.

Yesterday, he made me feel so loved and happy. But I chose to hurt him. And if I will be given a chance to turn back the time. Still, pipiliin ko pa rin na saktan siya. Para mas madali para sa kanyang makalimutan ako. I know that letting go is the hardest part of loving someone. Pero hindi ko inakalang ganito pala kasakit, siguro kasi perfect na sana ang lahat. Mahal ko siya at mahal niya rin ako pero hindi kami puwede.

Mabilis kong pinahid ang naglandas na luha sa mga pisngi ko nang bumukas ang pinto at iluwa non si Trent. Nasa mga mata niya ang labis na pag-aalala.

"Hey, how are you feeling? You freaking scared me princess," hinalikan niya ako sa noo at niyakap.

"I'm sorry..."

Kanina habang walang tigil ako sa pag-iyak tinawagan ko si Trent to pick me up. He was so worried about me pero kahit anong pagpigil ko na huwag umiyak dahil nakikita ko ang awa at sakit sa mga mata niya. Hindi ko mapigilan. Umiiyak ako hindi lang dahil kay Torn kung hindi dahil tinatanggap ko na baka hanggang dito na lang talaga ako. Na baka sapat na ang mahigit sampung taon na pinahiram sa akin ng Diyos. The last time I remember hindi ako makahinga at sobrang bigat ang pakiramdam ko.

"What do you want to eat?" masuyong tanong niya sa akin. Sandaling nagtagal ang tingin niya sa mga mata ko na marahil ay namumugto hanggang ngayon. Inaantay kong tanungin niya ako kung anong nangyari kagabi pero inuna niyang asikasuhin ang mga pagkain na dala niya.

"I bought your favorite pancake, there's also soup how about fruits--"

"I want to go..."

"You're going to eat first then we're going to transfer in the city hospital. You need further tests, we need second opinion, I think--"

"Kuya..."

Napahinto siya sa ginagawa niya pero hindi niya ko sinulyapan. Tumalikod siya at itago niya man hindi nakaligtas sa akin ang tumakas na luha mula sa mga mata niya.

Alam niya na.

"Are you crying?" pilit ang pagtawa kong tanong.

Umiling siya pero tuluyan na kong natawa nang marinig ang pagsinghot niya.

"Hindi pala ah? Don't cry! I'm not dying..." napapikit ako nang kumirot ang puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko bago mapait na dinugtungan ang sinasabi ko. "...yet."

"Spring!" galit na nilingon ako ni Trent pero nang makita kung nasaan ang kamay ko ay natataranta siyang lumapit sa akin. "Saan masakit?! Wait, I'll call the doctor--"

Bago pa siya makaalis ay mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. Parang may pumipiga sa puso ko nang makita ang luhang namalisbis sa pisngi niya. Ilang tao pa ba ang luluha para sa akin? Pinalis ko ang luha sa magkabilang pisngi ni Trent pero nagpatuloy lang ang pagluha niya.

"Remember when we were young, when I heard that there's no guarantee na tatanggapin ng katawan ko ang puso na nai-transplant sa akin? Na kung tanggapin man ng katawan ko, maaaring hanggang sampung taon lang ang kaya kong itagal. Chances of surviving more than that is low...I was scared. Pero maliban kay Tatay merong isang tao na naniwalang kakayanin ko, na nagsabing matapang ako. That miracles do happen when you have faith in Him...At ikaw yon...And look at me now, I made it this far Kuya...pero baka hanggang dito na lang talaga--"

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now