Chapter 49: Crying Cane plus 'Ali'?

48K 1.3K 166
                                    

"Ang saya-saya mo siguro ngayon, Ate. Habang naghihirap si Daddy dito, mukhang ineenjoy mo ang buhay mo diyan sa Pilipinas. Congratulations sis, for being a model."

Napapikit ako nang ibaba na ni Summer ang linya bago pa 'ko makapagsalita. Pinagmasdan ko ang laptop ko at nanlumo ako nang makitang pinapipiyestahan sa facebook ang picture ko noong nagmodel ako.

Pinost ito ng isa sa mga highschool classmates ko at talagang itinag pa ako. Congratulation daw sa pagiging model ko. Kung alam lang ng mga ito...

Kahapon habang binibili ko 'yung magazine, nakatingin sa akin 'yung cashier at todo ngiti sa akin. 'Yun pala ay magpapapirma siya sa akin dahil minsan lang daw siya makakita ng model.

In an instant, naging famous ako. Hindi ko alam na ganoon pala kasikat ang magazine na pinamamahalaan ni Light. Kung alam ko lang, nunca na papayag ako sa gusto ni Light.

Tuloy ay ayaw ko man ay kailangan kong i-deactivate ang facebook ko. Kasi kung dati walang nag-a-add sa akin, ngayon ay umabot na sa libo ang friend request ko.

Mas lalo tuloy nagalit sa akin si Summer na naiintindihan ko naman. Tama naman siya, nahihirapan ang mga ito sa States pero heto ako at nakuha pang maging modelo.

What more pa kapag nalaman niya ang audition ko?

Pinatay ko ang laptop ko at napagpasyahang matulog na lang. Panigurado ay si Trent naman ang mangungulit sa akin mamaya kapag nakita niya na rin ang picture ko na kasama sila Torn.

Nasa kasarapan na ako ng tulog nang malalakas na katok ang narinig ko mula sa pinto. Inaantok akong tumayo at nakapikit ang matang binuksan ang pinto.

"Spring..."

Dumilat ako at nawala ang antok ko nang bumungad sa akin si Cane na titig na titig sa akin. Mapungay ang mga mata niya at parang ilang sandali lang ay mabubuwal siya.

"Anong ginagawa mo rito?"

"I want to see you...I want to..." Dahan-dahan niyang inilapit ang sarili niya sa akin na ikinagulat ko. Hinawakan ko ang dibdib niya para itulak siya pero mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.

"Cane...a-ano bang problema mo? Lumayo ka nga sa akin."

"I want to...kiss you."

Napasinghap ako sa narinig kong sinabi niya at para akong naestatwa sa kinatatayuan ko nang unti-unting siyang yumuko ...

Malalakas na katok ang nakapagpabangon sa akin mula sa isang bangungot. Hinihingal akong napahawak sa dibdib kong sobrang lakas ng tibok.

Anong klaseng panaginip 'yon?!

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang malakas na katok mula sa pinto ko. Nang maalala ang panaginip ko ay kinabahan ako. Déjà vu?!

Dahan-dahan akong tumayo at naglakad papalapit sa pinto.

Hindi naman siguro mangyayari 'yung panaginip ko hindi ba?

Umiling-iling ako. Imposible.

Pero sino nga ba ang kakatok sa akin kung pasado alas-dos na pala nang madaling-araw?

Pikit-mata kong binuksan ang pinto ng kuwarto ko at nanlaki ang mata ko nang makita si Cane.

Amoy na amoy ko ang alak sa kanya at parang ilang sandali na lang ay tutumba siya na hindi ko nga naipagkamali dahil bumagsak siya. Mabuti na lang ay mabilis akong nakaurong kung hindi ay sa akin siya bumagsak.

Napangiwi ako nang bumagsak siya sa lapag na una ang mukha. Mabuti na lang at carpeted ang lapag kung hindi ay baka nabukulan siya sa lakas ng pagkakabagsak niya. Pero alam kong masakit pa rin iyon at tama nga ako dahil pagkatihaya niya ay nakita kong namumula ang noo niya.

"Cane...Uy Cane!"

Yumuko ako at inalog-alog siya pero wala pa din siyang katinag-tinag. Sa sobrang inis ko ay nahampas ko siya nang malakas sa pisngi. In short, nakatikim siya ng sampal sa akin.

Dumilat ang mga mata niya na mukhang nagulat pero magsasalita pa lang sana ako nang muli siyang pumikit.

"Hurricane! Nakakainis ka na talaga!"

Sobrang bigat niya kaya napakaimposible kong mabuhat ito. Ayoko namang gisingin pa si Butler Joe dahil anong oras na din.

"Argh! Bahala kang manigas sa lamig diyan!" nabubuwisit kong saad at tinalikuran siya. Sa sala na lang ako mahihiga, mamaya ay kung ano pang gawin nya sa akin.

Don't tell me, inaasahan mong gagawin niya 'yung nasa panaginip mo?

Muli kong binalikan ng tingin si Cane. Bumaluktot siya at mukhang tinablan na ng lamig. At dahil tinamaan na naman ako ng konsensya ko, kinuha ko ang unan at kumot ko at iniayos siya ng higa sa lapag.

Saktong nalagyan ko na siya ng kumot nang dumilat siya. Ngumiti siya at nanlaki ang mga mata ko nang umangat ang kamay niya at marahang hinaplos ang pisngi ko.

Tatabigin ko na sana ang kamay niya pero napahinto ako nang makita ang pagpatak ng luha mula sa mga mata niyam

Umiiyak si Cane?

"You're so beautiful. I-I miss you, I miss you so much. So much that it hurts...and it's all because of her...she's confusing me..."

Sa sobrang gulat ko sa sinabi niya ay hindi ako nakapalag nang hilahin niya ako at yakapin.

"I hate you...I fucking hate you for leaving me...come back to me, Ali...please, baby. Please."

Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni Cane pero nakaramdam ako ng awa rito. Kasi alam kong nasasaktan siya.

Hindi ko kailanman naisip na darating ang oras na makikita kong umiyak si Cane. Kaya kung kanina ay nasa isip kong itulak siya, natagpuan ko na lang ang sarili na niyayakap siya pabalik.

Tama nga siya, hindi ko pa rin talaga siya kilala.

PARANG may pumupukpok na martilyo sa ulo ko nang magising ako. Sobrang sakit ng ulo ko marahil ay dahil sa puyat. Bumangon ako para lang mapasigaw nang bumungad sa akin si Butler Joe na nakatitig sa akin. As usual, poker face na naman ito.

"Bakit po dito kayo natulog, Miss Spring?" anito at doon ko lang naalalang nasa sala nga pala ako ng mansiyon imbes na nasa kuwarto ko.

Magsasalita pa lang sana ako nang magulantang ako sa malakas na sigaw mula sa itaas. Nagkatinginan kami ni Butler Joe at nagmamadali kaming pumanhik sa itaas para lang mabungaran si Cane na nagtatatalon at pilit iniaalis si Kitty sa balikat nito.

"Fuck! Get off me!"

Nagmamadali akong lumapit dito at marahang inabot si Kitty bago pa niya masaktan ang alaga ko.

"Meowwww..."

"Awww, nasaktan ba ang baby ko?" napabungisngis naman ako nang kumiskis si Kitty sa leeg ko.

"Shit! Ano bang ginagawa ko sa kuwarto mo?!"

Napahinto ako sa pakikipaglaro kay Kitty nang marinig ang boses ni Cane. Nakahawak ito sa ulo nito na mukhang masakit din katulad ng sa akin.

Ang pagkakaiba nga lang namin, puyat ang dahilan ko. Hang-over naman para dito.

"Tsk. Tsk. Huwag kang iinom kung hindi mo naman pala kaya." saad ko imbes na sagutin ang tanong nito.

Hindi ko na ito inantay pang magsalita at pumasok ako sa kuwarto. Narinig ko pa ang naiinis niyang pagtawag sa pangalan ko pero deadma lang ako. Bahala kang mag-isip diyan, tutal ganoon din naman ang ginawa mo sa akin noon. Pinahirapan mo rin ako.

Isa pa, ayokong ikuwento rito ang nangyari kanina. I don't want to tell him how much he cried because of a girl named Ali.

Sino kaya si Ali?

Teka nga bakit ba masyado akong nac-curious sa buhay ni Cane? Kahapon si Charm, ngayon naman si Ali. Seriously Spring? Kailan ka pa naging interested sa bad boy na 'yon?

TBC

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now