Chapter 45: Papa Cane? Papa Torn?

49.8K 1.5K 88
                                    

Kanina pa natutulili ang tenga ko sa boses ni Cane na hanggang ngayon ay katabi ko pa rin. Kaya naman kuntodo siksik ako sa gilid sa takot na madikit sa kanya.

"Kasalanan mo kapag nagkaroon ng damage sa ulo ko!" saad niya habang hawak-hawak pa rin ang likod ng ulo niya. Napaka-OA talaga niya dahil talagang nagpapasugod pa siya sa hospital.

Napanguso ako. Matagal na namang may damage ito sa ulo eh.

"Kasalanan mo naman kasi! You scared me!"

"At tama ba namang itulak mo ako nang malakas?! Iniisip mo bang hahalikan kita kanina?! Asa!"

Kumibot ang labi ko at pinigilang dagdagan ang damage sa katawan niya including his right foot na iniinda rin niya.

"Masyado ka kasing epal! Wala ka nang ginawa kung hindi pagtripan ako!"

"At ikaw naman napakapikon mo na nga! Napakabrutal mo!"

"Nagsalita ang hindi! Palibhasa KSP!"

Nanahimik siya. "What's KSP?!"

Ngumisi ako. "Kulang sa pansin!"

"Ugly nerd!"

"Moron!"

"Pandak!"

"Manyak!"

"SHUT UP! SHUT UP! FUCKING SHUT UP! Kapag hindi kayo nanahimik na dalawa. I swear iiwanan ko kayo dito sa gitna ng kalsada!"

Inis na inis na saad ni Torn na nakapagpatahimik sa aming dalawa ni Cane.

Nagkatinginan kami ni Cane at parang mga bata na pinagalitan ng nanay namin.

"Hmph!"

"Tss."

Great. This day was so great! Mark my sarcasm!

LUMIPAS ang ilang minuto na walang umiimik sa loob ng kotse ni Torn. Sa tuwing nagtatagpo ang paningin namin ni Cane para kaming mga bata na nag-iismidan. Hindi ako childish pero nang dahil sa lalaking katabi ko pakiramdam ko nagiging isip-bata ako.

Moments later, nakarating din kami sa hospital. Talk about Cane being an OA.

Sabagay, baka nagkaroon nga ng damage ang utak niya. Siraulo na nga siya baka mas lumala pa.

"Maghintay ka na lang dito." Saad ni Torn sa akin na tinanguan ko na lang.

"Mabuti pa nga na maiwan ang babaeng 'yan dito. Puro kamalasan lang ang dala niyan sa akin. Humanda ka kapag may nangyaring masama sa akin kakasuhan kita ng...ng...Attempted Murder!"

Napanganga ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Balak ko pa sanang dagdagan ang bukol niya nang malakas na siyang nahampas sa batok ni Torn.

"What the hell Tornado!"

"Can we just go inside? Napakadami mong satsat. Para kang babae." Saad ni Torn at mabilis siyang naglakad papunta sa hospital.

Napabungisngis ako at masama naman akong tinignan ni Cane. Tumikhim ako at nginitian siya. "Bilisan mo kaya, mamaya niyan may hemorrhage na pala 'yang utak mo—"

"Shut up!"

Napanguso ako. Sino kaya sa amin ang pikon? Sa isip-isip ko habang pinagmamasdan ang likod ng kambal. Napailing ako nang makitang nagkandahaba ang mga leeg ng mga kababaihan kakatingin sa dalawa.

Hah! Looks can be deceiving nga talaga!

Napahampas ako sa noo nang maalala ang lakad ko ngayong araw na ito!

Kinuha ko ang planner ko at nanghinayang na hindi ako nakapunta sa pupuntahan ko sana. Hindi bale may ibang araw pa naman.

Tatlumpung-minuto na akong nasa loob ng kotse pero wala pa rin ang dalawa. Napasimangot ako, hindi na ako magtataka kung nagpa-CT scan pa si Cane.

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon