Chapter 20: Stop blaming yourself.

57.6K 1.6K 37
                                    

Three years ago...

"Is she okay Doc?"

"Don't worry Mr. Villafionce. Your daughter is fine."

Minulat ko ang mga mata ko at nabungaran ko ang Tatay na halatang nag-aalala habang kausap ang doktor.

Doktor?

Iginala ko ang paningin ko sa paligid at napagtantong nasa hospital ako. Pero anong ginagawa ko dito?

"Thank god, you're awake." Nabaling ang atensyon ko Tatay.

"B-bakit ako nandito Tay?" nagtataka kong tanong.

"You don't remember what happened?"

Napatigil ako sa pag-iling nang maalala ang mga pangyayari kanina lang.

"D-dad, 'yung babae k-kumusta na siya?"

Kumunot ang noo nito. "Sinong babae? Sabi ng doctor, nahimatay ka due to shock. Ano bang nangyari?"

Napatakip ako sa tenga ng muli ko na namang marinig ang sigaw ng lalaki sa akin kanina. Ang malakas na salpukan ng dalawang kotse at pakiramdam ko nababaliw na ako dahil pati pag-iyak ng babaeng 'yon ay nadidinig ko.

"Spring.. do you want me to call the doctor? What's the matter?"

Umiiyak na tumingin ako kay Tatay. "Yung babae Tay, naaksidente siya sa taxi na dapat ako 'yung sasakay. Kasalanan ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Kasalanan ko kasi ako dapat 'yon, kasa----"

"Ssssshhhh. Wala kang kasalanan, anak. Wala. Ang mabuti pa umuwi na tayo at ng makapahinga ka na. Tomorrow, we'll go to your Uncle Stephen." pagtukoy niya sa psychiatrist niyang kaibigan.

Tumango ako pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang tanong kung ano nang nangyari sa babae.

"Stay here. I'll just pay your bills."

Ilang minuto pa lang ang nakakalipas nang mapapitlag ako sa kinauupuan ko nang umalingawngaw ang malakas na boses na tila pamilyar sa akin.

"Storm!!!"

Storm?

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at hinanap ang pamilyar na boses.

At kaya naman pala pamilyar ito sa akin ay dahil siya ang lalaki kanina.

Umiiyak ito habang nagkakagulo ang mga doctor at nurses na sagipin ang d-duguang babae.

Yung babae kanina!

Pakiramdam ko nanghina ang mga tuhod ko ng marinig ko ang nakakatakot na tunog na 'yon.

Flatline.

Hindi ko na kaya ang nakikita ko kaya naman kahit hirap ay nagmamadali akong tumakbo paalis sa lugar na 'yon.

Present.

"So that's the reason why you believed that Storm died?" saad ni Cane na palakad-lakad sa loob ng kwarto na ginagamit ko habang ako naman ay nakaupo sa kama at kagat-kagat ang labi ko.

Hindi ko alam kung ano ang hindi ko mapaniwalaan.

Ang mga katotohanan na narinig ko katulad na lang na may fiancee na ang girlfriend ng pinsan ko.

Ang malaman na buhay naman pala ang pinaniwalaan kong patay na.

At panghuli ang makausap ang lalaking nasa harap ko.

Si Hurricane.

Kanina ng hilain niya ako papasok sa kwarto para iiwas sa kapatid niya.

Kulang ang salitang nagulat ako sa ginawa niya.

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now