Chapter 13 (Part 1): Another Tragedy

58.2K 1.7K 87
                                    

"You can never break me Torn, 'cause I wasn't even whole to start with..."

Hinihingal akong napasandal sa pader habang paulit-ulit na umuukilkil sa utak ko ang huling linyang sinabi ko kay Torn.

'You'll break me? You can't Torn...ano pa nga bang pagsira ang kaya mong gawin na hindi ko pa naranasan?'

"Ma'am?" Napaangat ako mula sa pagkakayuko at nabungaran ang isang babae na hindi pamilyar sa akin.

"S-sino ka?"

"Ako po si Amy, katulong po ako dito. Okay lang po ba kayo? May kailangan po ba kayo?"

Tumango ako. "Pwede bang makitawag?"

Ngumiti siya at inabot sa akin ang isang cellphone. "Eto po Ma'am. Sino po ba ang tatawagan niyo?"

Napatigil ako sa sinabi niya. Sino nga ba ang tatawagan ko?

"T-tatay ko."

"Ganun po ba? Sige po Ma'am. Iinom po muna ako at babalikan ko na lang kayo dito."

Tumango ako at hindi ko alam kung bakit nanginginig ang kamay ko habang tinitipa ang numero ng Tatay.

"Hello..."

Ramdam ko ang panghihina ng boses sa kabilang linya at alam kong ako ang dahilan nito.

"T-Tay si S-spring po 'to."

"Spring! Nasaan kayo ni Trent? Ang sabi niya sa akin magkasama na kayo pero bakit wala kayo dito sa condo niya? Pupuntahan ka ni Tatay Spring, mag-usap tayo. Sige na anak, nakikiusap s-si Tatay."

Huminga ko nang malalim nang mag-umpisa na namang pumatak ang mga luha ko. "Nandiyan po ba kayo? U-umuwi na po muna kayo Tatay, b-bukas na po tayo mag-usap. Magpahinga na po kayo."

"Spring please susunduin na kita, sabihin mo lang kung nasaan ka."

"N-nandito po ako sa bahay ng girlfriend ni Trent. A-ayos lang po ako, bukas ng umaga uuwi na po ako kaya u-umuwi na rin po kayo at 'wag niyo na akong alalahanin pa."

"I'm sorry Spring, h-hindi ko gustong ilihim sa 'yo ang lahat."

"Tay... b-bukas na po tayo mag-usap. Sige na po."

Ibababa ko na sana ang cellphone ng muling magsalita si Tatay. "I love you, anak. Mahal na mahal ka ni Tatay. Hihintayin kita."

'Mahal ko rin po kayo Tay..'

"Mag-ingat po kayo." nasabi ko na lang at parang piniga ang puso ko nang marinig ang paghikbi sa kabilang linya kaya naman ibinaba ko na ito.

"O-okay lang po ba kayo Ma'am?"

Pinunasan ko muna ang pisngi ko at inabot ang cellphone sa may-ari nito. "Salamat."

'Hindi ako okay...at hindi ko alam kung kailan ako magiging okay...'

"SPRING! Wake up!"

Kukusot-kusot ang matang napabangon ako at isinuot ang salamin ko makaraan ay pinagmasdan ang taong gumising sa akin. Mabigat ang ulo ko at pakiramdam ko namamaga ang mata ko senyales ng kakulangan ko sa tulog.

"W-we need to go S-Spring..."

Napatigil ako sa muling pagkusot ng mata ko at pinakatitigan si Trent na gulo-gulo ang buhok, namumutla at tila kinakabahan?

Ano na namang nangyari kaya?


"Anong problema T-Trent?" Kinakabahang tanong ko sabay bangon mula sa pagkakahiga.

"Tito Autumn is in the hospital right now, Princess..."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at naramdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko sa mga sunod niyang sinabi.

"He's involved in a car accident, S-Spring."

Umiling-iling ako. "Hindi totoo ang sinasabi mo, k-kausap ko si Tatay kanina lang Trent. Sabi niya mag-uusap kami ngayon kaya imposibleng naaksidente siya... H-hihintayin ako ni Tatay---"

"---Spring please, get a grip. They need you right now especially Tito..." aniya sabay yakap sa akin.

"Spring...anak, ang sabi ng Tita Amethyst mo hindi mo daw kinakain ang binibigay nila sa 'yo."

Nanatili akong walang imik sa taong ilang araw ko pa lang nakilala pero sinasabi nilang Tatay ko. Nakahiga nga ako sa malambot na kama, nasa isang malapalasyong bahay pero hindi ako masaya dahil ang kailangan ko ay ang Nanay ko.

"Spring, you need to eat. Kailangan mong gumaling---"

"Kung gagaling po ba ko, ibabalik niyo na ako kay Nanay?" nanghihinang saad ko habang unti-unti ko na namang nararamdaman ang pamilyar na kirot sa puso ko.

"Ayaw mo ba kay Tatay?"

Umiling ako at sa nanlalabong paningin ay nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Hindi ko p-po kayo kilala. G-gusto ko po si Nanay."

"May panahon pa naman para kilalanin mo ang Tatay hindi ba Spring?" Nakangiti niyang saad sa akin.

"Hindi niyo ba po ako iiwanan katulad ni Nanay?"

Umiling ito. "Hinding-hindi. Pangako."

'Panghahawakan ko ang pangakong 'yon Tay... hindi niyo ako iiwanan hindi ba?'

"Spring, we're here." 

Napadilat ako at nag-umpisang manginig ang mga kamay ko nang matanaw ang lugar kung nasaan ang Tatay. Pero kailangan kong maging matatag, hindi ito ang oras para pairalin ko ang kahinaan ko. 

Lakad-takbo ang ginawa namin at ng sabihin ng Nurse kung nasaan ang Tatay ay dali-dali kaming pumunta dito.

Nasa ICU ang Tatay at isa lang ang ibig sabihin non alam ko, nasa kritikal siyang kondisyon.

Halos madurog ang puso ko nang maabutan ko si Summer at Rain na iyak ng iyak habang si Lola at si Tita Amethyst naman ay tulala at halatang galing din sa pag-iyak.

'Kasalanan ko 'to...'

"Trent! Bakit dinala mo ang babaeng 'yan dito?!" Napatigil ako sa paghakbang papalapit kayla Rain nang marinig ang boses na nanggaling sa likod ko. 

"Ma please, stop treating Spring like---" Napahinto si Trent sa pagsasalita nang umalingawngaw ang galit na boses ni Summer.

"A-anong ginagawa mo rito?! Anong karapatan mong pumunta dito?! This is all your fault!" sigaw ni Summer sabay lapit sa akin at hindi ko na tinangka pang umiwas nang umangat ang kamay niya at sinampal ako.

"Summer!" Agad na humarang si Trent sa pagitan namin ni Summer pero kitang-kita ko pa rin ang galit na nasa mata ng kapatid ko.

"K-kasalanan mo ang lahat ng 'to, hindi mangyayari kay Daddy 'to kung hindi siya nagpumilit na hanapin ka! Naaksidente siya dahil sa'yo---"

"Summer, enough." Napatigil sa pagsasalita si Summer nang tumayo si Lola at lumapit sa amin. "And you..." blanko ang mga matang pinagmasdan ako ni Lola. "you're no longer a part of this family. You don't deserve to be a Villafionce, you ungrateful child."

TBC

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें