Chapter 66: Tornado (Part 1).

45.8K 1.3K 56
                                    

.

TORN's POV

"Anong hayop ang nagpa-party?"  

"What?!" pasigaw na tanong ng kakambal ko.

"Eh di aso." She had this big grin like she's so sure that we will laugh because of her joke.

Tss. Anong nakakatawa sa asong nagpa-party. It doesn't make sense.

"Di niyo magets noh?" she laughed and I don't know why but I can't stop myself from staring at her. She looks like an idiot throwing her hands up in the air while chanting, "DOGZ DOGZ DOGZ DOGZ DOGZ..."  

She did it. She made me laugh. But I cheated, my brother and I cheated. For what reason? That I don't f!cking know.

"My, my this is so new. My brother Tornado is laughing."

Napatigil ako sa pagtawa--

Pagtawa?

Tumatawa ako?

The fuck is wrong with me?

"Shut up Light." inis kong saad sa atribida kong kapatid at mabilis na nilagok ang beer na hawak-hawak ko. 

"Umiinom ka na naman." 

Hindi ko ito pinansin kahit na nang tumabi ito sa akin sa sofa. Muli ko sanang iinumin ang alak sa kamay ko nang hablutin nito iyon sa akin.

"What the f$ck--" 

Napailing ako nang lagukin nito iyon na parang tubig. Nakita ko ang pamumula ng mga mata nito. She cried again.

"Umiyak ka na naman."

Nilingon siya nito. "Why is it so unfair Torn? Everyone thought na lahat kaya kong makuha, l-lahat isang pitik ko lang nasa harap ko na. Pero yung kaisa-isang tao na mahal ko, hindi kami pwede. Akala ko kaya kong suwayin sila Mommy at Daddy. Hindi pala, until now I'm still scared to disappoint them. I still want them to notice me for my achievements. For that to happen, I need to sacrifice my own happiness."

Sinasabi ko na nga ba...

Inakbayan ko ito at kahit naiilang ay marahan kong tinapik ang balikat nito. Wala akong maisip na sabihin sa maldita kong kapatid. Light did her best in everything that she does. For her to be noticed by our parents, for her to be recognized. Kaya alam ko na kakainin niya rin ang sinabi niya noon na hindi niya hihiwalayan si Amerikanong Hilaw. 

"I wish I was like you, willing to sacrifice everything for the person you love."

"I will never be like that again." saad ko at humiwalay rito. Kumuyom ang kamao ko at tumayo.

"Just move on Light. It's either you'll move on or goddamn fight for him." huling saad ko at iniwan ito pero alam ko na alinman sa dalawa malabong magawa ni Light.

"YOU might like her?" 

Matalim ang matang tinignan ko si Hurricane na komportableng nakaupo sa kama ko. 

"Get out of my room." 

"You hate cats that's for sure..." Ngumisi si Cane at napangisi na rin ako nang makita ang pagkuyom ng kamao nito. "Allergic to peanuts? Kailan pa?"

"That's none of your concern."

Masama ang tingin na pinukol sa akin ni Cane. "Don't you dare play with her Tornado."

"Sino lang ang may karapatan? Ikaw?"

Tumayo ito at nakikita ko ang pagpipigil nitong sapakin ako. 

Do it Cane para mas lalo kong mapatunayan ang hula ko...

"I'm not going to do that. I'm serious here bro, you can go use someone to forget Storm but not her."

Nawala ang ngisi sa labi ko nang marinig ang pangalan na binanggit nito. "Shut the f*ck up!"

"You're using her as your distraction--"

"Hindi ba ganoon ka rin naman?" pagpuputol ko sa sinasabi nito. "Huwag kang magmalinis Cane, we both know kung bakit ganoon ang trato mo sa kanya because she reminds you of her."

"That's not true!"

Ngumisi ako. "So what's the truth? That you like her? Perhaps, more than that."

"Kung sasabihin kong oo, lalayo ka na ba sa kanya?"

"Why would I do that?"

Nagdikit ang labi nito. "Bastard." huling saad nito at iniwan ako.

What did he expect, ang sabihin kong lalayuan ko si Cruz?

That's not gonna happen. Hangga't hindi pa ako bayad sa ginawa nito. Ginulo ko ang buhok ko at padarag na nahiga sa kama.

Sa pagpikit ng mga mata ko muling bumalik sa isipan ko ang imahe ni Cruz ng araw na 'yon. How she f*cking scared me with all her blood and tears. I thought it will be the end of her life.

Spring Cruz is like a puzzle to me that is so hard to be solved. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko siya kayang basahin. 

Three years ago, galit ang nararamdaman ko sa kanya. Nasa isip ko na sana siya ang nasa aksidente at hindi si Storm. That's why I did every bad thing just for her to leave HU.

Pero hindi siya nagpatinag. She's the first person na lumaban sa amin ni Cane. I still remember that day when she saved that girl, nainis ako lalo sa kanya. How could she saved that person na binubully rin siya? 

Noong lumipat siya sa bahay namin, mas lalong tumindi ang inis at galit ko sa kanya. Pakiramdam ko para siyang isang dumi na hindi mawala-wala sa paningin ko. 

Pero hindi ko alam kung bakit habang tumatagal siya sa poder namin, unti-unti nawala ang inis na nararamdaman ko para sa kanya. Maybe because of Light? 

And that day when she saved me, as she was fighting for her life. Out of nowhere I whispered those words to her. 

"Just fight...just goddamn fight and I swear after this I can be your slave."

And I never back down from my words. Never.

I might like her? 

Is that a lie?

Nakangising tumayo ako at tinungo ang ref na nasa kuwarto. Grabbing my favorite almond chocolate, I walked by to my bed and turned on my TV.

Nasa kalagitnaan na ako ng panonood sa isang action movie nang tumunog ang cellphone ko. Tinatamad na kinuha ko 'yon at sinagot.

"Nakuha na namin Sir." 

Mabilis kong binaba ang cellphone ko at ngising demonyo na kinuha ang susi ng kotse ko.

Law?

I have my own law and punishment.

TBC










Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon