Chapter 53: First Kiss

53.7K 1.5K 244
                                    

SPRING's POV

NANLAKI ang mata ko nang maramdaman ang malambot na nakadikit sa labi kong nakabuka at tila may pumapasok na hangin. Kung may ikalalaki pa ang mata ko, baka lumuwa na ito nang mapagtanto ko kung sino ang humahalik—

Hindi ka niya hinahalikan, Spring! Mouth to mouth resuscitation ang ginagawa niya.

Sa naisip ay nabalik ako sa reyalidad at naitulak si Torn na mukhang nakahinga nang maluwag nang makitang nagising ako. Uubo-ubo ako at nilalabas ang mga tubig na nainom ko sa pool. Nang makahuma mula sa pagkakalunod ay hinihingal kong pinagmasdan si Torn na masama ang tingin sa akin at katulad ko ay hingal na hingal din.

"NAGPAPAKAMATAY KA BA?!"

Napapitlag ako nang marinig ang sigaw nito.

Nagpapakamatay?! AKO?!

Baka siya. Bakit ako?!

"I-I'm not. N-nakita kitang tumalon sa pool a-akala ko—"

"Kaya tumalon ka rin kahit na hindi ka marunong lumangoy? Hindi mo man lang ba inisip ang sarili mo? Paano kung hindi kita napansin?! Muntik ka nang mamatay—"

"Hindi ko na naisip ang sarili ko dahil nag-aalala ako para sa 'yo!"

Napatigalgal ito at maging ako sa sinabi ko.

Nag-aalala ako para kay Torn?

Bakit? Sino ba siya sa akin?

Nang hindi ito magsalita ay tumayo ako at tinalikuran ito para lang mapatigil sa linyang binitawan nito.

"Bakit ka nag-aalala sa akin? Wala akong ginawa for the last three years kung hindi ang pasakitan ka, you should be happy seeing me like this. For all the bad things that I've done to you. I deserve this."

Nilingon ko si Torn na malamlam ang matang nakatingin sa akin malayong-malayo sa matatalim nitong tingin na kinasanayan ko mula rito.

Hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam kung anong tamang isagot dito. Kasi ako mismo hindi ko alam kung bakit nag-aalala ako para sa lalaking naging dahilan ng impyerno kong buhay sa HU.

"Paano ba maging katulad mo? Bakit parang napakadali para sa 'yo ang patawarin ang mga taong nanakit sa 'yo?" Pumikit-pikit ito at doon ko napagtantong nilalamon na ito ng kalasingan.

"Two years ago, you helped that mean girl na kabilang sa mga nambu-bully sa 'yo."

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Hindi ko matandaan ang sinasabi nito. Sino ang tinulungan ko?

"That mean girl named Sabrina."

Doon lang nagbalik sa alaala ko ang tungkol kay Sabrina—kabilang siya sa grupo nila Fiona. Isang rich girl at ugali rin niyang pagtripan ako. Pero nalugi ang kompanya ng mga ito na nagresulta para maging outcast ito sa HU.

Isang araw habang pinagtataguan ko ang mga nambu-bully sa akin, napadpad ako sa rooftop ng building nila Fiona. I saw Sabrina. Depress and suicidal.

Gusto niya nang tumalon sa building para wakasan ang buhay niya pero sinagip ko siya. Hindi ko na matandaan kung anong pagkausap ang ginawa ko sa kanya noon para sa huli ay pumayag siyang hindi na ituloy ang binabalak niya. The next day, kumalat sa buong HU ang ginawa ko pero imbes na hangaan para bang kinainisan pa ako ng mga kapwa ko estudyante. Iba talaga ang mga topak ng mga schoolmates ko.

"Why is it easy for you to be concern with people who have always been hurting you?"

Hindi ako muling nakapagsalita sa sinabi nito at iniwas ko ang paningin ko sa puno ng katanungan nitong mga mata.

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now