Chapter 95: Bad Boys Tears

35.6K 1K 211
                                    

CANE'S POV

"Cane, please don't ever think na hindi ka enough para sa akin o para kanino because you are. Ako 'tong may mali. Ako 'tong tanga at masama para saktan ka. You deserve to be loved...You deserve someone and that will never be me. Kasi ang tangi ko lang maidudulot sa isang tao ay purong sakit... Hindi ako deserve para sa pagmamahal mo. So please...find someone else who can make you happy. That will be one of my last wishes before I leave..."

Pumikit ako at hinigpitan ang pagkuyom sa kamao ko sa pagpipigil na hilahin siya pabalik sa akin nang mawala ang yakap niya sa akin. Sa paglingon ko ay malayo na siyang naglalakad. Tunog bakla pero parang may pumipiga sa puso ko habang pinagmamasdan siyang naglalakad palayo sa akin.

You're leaving? Where are you going? With him?

Napasuntok ako sa pader nang maisip iyon. How could you hurt me like this Spring? You said I should never think that I am not enough to be loved but how can I stop thinking that?

I was never enough for Ali...and now, for you...

Just one last look and I'll do my best to forget you.

Sa muli kong pagtingin sa kanya ay tila naestatwa ko sa kinatatayuan ko nang makita ko siyang nakaluhod at wala pang minuto ay tuluyan siyang napahiga sa lapag.

This is not the fucking time to be a fucking statue Cane! Do something!

Malakas ang kabog ng puso na tinungo ko si Spring. Pain is visible in her face. Ang kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa dibdib niya. Napakaputla niya at unti-unting nangingitim ang labi niya. Tears streaming down on her face. And I feel so fucking helpless right now.

"S-Spring, what's happening-"

"Shit! Spring!" sigaw mula sa likod ko. Malakas akong natabig palayo kay Spring ng pinsan niyang dumating.

Binuhat niya sa Spring at lakad-takbo na umalis. Tila wala sa sariling hinabol ko sila papunta sa parking lot.

"I'll drive!" pagprisinta ko habang inilalagay niya sI Spring sa backseat. Bago pa siya makatanggi ay nagmamadali kong hinablot ang susi sa kamay niya at dumiretso sa drivers seat. Nanginginig ang mga kamay kong mabilis na pinatakbo ang kotse ni Trent.

"Don't close your eyes Princess, please!"

Humigpit ang kapit ko sa manibela at mas lalong binilisan ang patakbo sa kotse. Pinigilan kong lingunin sila o tingnan mula sa rearview mirror sa takot na mawala ang atensyon ko sa pagmamaneho. Minutes passed before we arrived to the hospital. I was shaking as I parked the car. Hindi pa ko tuluyang nakakalabas ay mabilis nang nakaalis si Trent karga si Spring.

Tumakbo ko at hinabol sila. Inilagay sa stretcher si Spring at mabibilis ang mga hakbang nilang ipinasok siya sa loob ng hospital.

I was about to go inside when a guard stopped me.

"Boss, san po kayo?"

Pinigilan ko ang sarili kong saktan ang humarang sa akin.

"Kasama nila ko!" sigaw ko sabay turo kay Trent.

Tumango ang guard at hinayaan akong pumasok.

"What happened Trent?!" saad ng nagmamadaling doktor na lumapit sa amin.

"I-I don't know Uncle...She-She was fine. Sabi niya ayos lang siya..." Napahilamos si Trent sa mukha niya habang sinasabi 'yon sa doktor na inaasikaso si Spring.

Spring lost her consciousness. Pakiramdam ko bumalik ang araw na nabaril siya. Hindi mawala ang malakas na tibok ng puso ko sa takot sa mangyayari sa kanya.

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now