Chapter 82: Pain.

41K 1.2K 133
                                    

SPRING's POV

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Totoo ba talaga 'to?

Kumurap-kurap ako pero hindi imahinasyon ang lahat. Malakas ang tibok ng puso kong naglakad palapit sa mga tao na nasa sala.

Si Rain...

Si Tita Amethyst...

Si Summer...

Si Lola...

At si Tatay...

"Tay..." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napabulalas na ako ng hikbi.

Iminuwestra niya ang mga kamay niya na tila nag-aabang ng isang yakap mula sa akin. Sa nakita ay tinakbo ang kakarampot na distansya namin.

Nang mayakap ko si Tatay at maramdaman ang mahigpit niyang pagtugon. Napatunayan kong hindi nga ito panaginip. Totoong nakabalik na sila.

"I missed you, anak..."

Humikbi ako at umalis sa pagkakayakap kay Tatay. Hinarap ko siya at nakita kong katulad ko ay umiiyak na rin siya.

Pinahid ko ang luha sa mga pisngi niya.

"I'm sorry Tay..." bulong ko at muli siyang niyakap.

"Spring..." Tumingala ako at tumayo nang makita ang paglapit sa akin ni Tita Amethyst.

"Tita..."

Ngumiti siya, "How are you?"

"Ate okay ka na ba--"

"Rain!" sigaw ni Summer kay Rain. Pinandilatan nito si Rain.

Ngumiti ako. "Ayos lang po ako. I didn't expect na uuwi po kayo ngayon.."

Tuluyan nang lumapit sa akin si Tita at hinawakan ang kamay ko.

"Your Dad insisted, sinunod niya lahat ng utos ng mga doktor para payagan siyang makauwi rito. Pero kailangan pa rin ng Daddy mong manatili sa hospital for his further treatments."

Tumingin ako kay Tatay, "Tay, bakit po dito kayo dumiretso sana ay sa hospital na lang."

Ngumiti si Tatay. "I can't wait to see you."

Tumikhim si Lola, "Enough with this, Summer at Rain, ihatid n'yo muna ang Daddy n'yo sa guest room."

"Mama, I still want to talk--"

"Autumn, you need to rest marami pang oras para mag-usap kayo ng anak mo."

Nasa mukha pa rin ni Tatay ang pagtutol sa kagustuhan ni Lola pero sa huli ay pumayag na rin ito. Hindi maalis ang tingin sa akin ni Rain kahit na sinimulan nang itulak ni Summer ang naka-wheelchair na si Tatay.

"Let's talk, Spring."

Napalunok ako nang magtama ang paningin namin ni Lola.

NANLALAMIG ang mga kamay ko nang makapasok ako sa study room ni Lola. Isang pisil sa balikat mula kay Tita Amethyst ang kahit papaano ay nakapagpakalma sa akin.

Naupo si Lola sa swivel chair niya habang kami naman ni Tita Amethyst ay naupo sa two-seater sofa.

"You're no longer a part of this family. You don't deserve to be a Villafionce, you ungrateful child."

Iyon ang huling mga salitang narinig ko kay Lola. Papaano kung paalisin niya na naman ako? Anong gagawin ko?

"How is your wound?"

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig 'yon mula kay Lola. Hindi iyan ang inaasahan kong maririnig mula kay Lola.

"Spring?"

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now