Chapter 61: I no longer hate you.

52.5K 1.5K 159
                                    

CLARIFICATION: HINDI PO IISA SI ALYANNA AT ALI NI CANE. MAGKAIBA SILA .

SPRING’s POV

“Gusto mo? Bakit dahil sa gusto mo siya?”

Pinagmamasdan ko si Torn na may mapaglarong ngiti pa rin sa labi nito habang hinihintay nito ang isasagot ng kakambal nito na si Cane.

“Ako?! Magkakagusto kay Tagsibol?! ASA!” ani Cane na parang diring-diri sa ideyang magkakagusto siya sa akin.

“As if naman magkakagusto rin ako sa ‘yo! ASA ka rin!” naiinis kong saad pero ang damuho ay tumalikod lang at iniwanan kaming dalawa ni Torn.

Ngumisi sa akin si Torn. “Affected?”

Napanganga ako sa tinuran nito. “A-Ano bang problema mo?! Bakit—”

Napahinto ako sa pagsasalita nang lumapit ito sa akin at walang sabi-sabing binuhat ako nito. What the hell—

“T-Tornado, put me down.”

Hindi ito nakinig sa akin at hindi ako binitawan. Wala pang ilang segundo ay naiupo na ako nito sa kama ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa nito. Parang ramdam na ramdam ko pa rin ang kamay nito at amoy na amoy ko pa rin ang pabango nito sa sobrang lapit namin kanina.

Nakatitig ako rito at ganoon din naman ito sa akin na para bang hinihintay nito ang pagpoprotesta ko sa ginawa nito.

Isang malakas na pagtikhim na sinabayan ng ubo ang narinig namin dalawa dahilan para mawala ang tingin namin sa isa’t-isa ni Torn.

“May ubo ka?” tanong ni Torn at parang isang prinsipe na dumiretso sa sofa at dumekwatro roon.

“Pakialam mo kung may ubo ako?” maangas na tanong ni Cane.

Tinuro ni Torn ang pinto. “Labas.”

“What?!”

“May ubo ka.” Tumingin sa akin si Torn. “Baka mahawa siya.”

Napanganga ako sa sinabi nito. Seriously?!

Mapait na natawa si Cane. “You’re really concern about her?”

Hindi sumagot si Torn at parang bored na bored na pinagmasdan nito si Cane.

Para kong wala kung pag-usapan ako ng dalawa. Isang linggo na rin ang nakakalipas na walang palya ang dalawa sa pagdalaw sa akin at sa totoo lang, nag-uumpisa na akong mairita sa presensiya nilang dalawa.

“Why? Because she saved you? Ganyan ka ka-thankful sa ginawa niya?”

Inaasahan kong tatanggi si Torn pero nagkibit-balikat lang ito.

“What is it to you if I’m acting like this?” malamig ang boses na saad ni Torn nang marahas na bumuntong-hininga si Cane.

Hindi ko sila maintindihan…

Hindi nagsalita si Cane at nilabanan lang nito ng tingin si Torn. Nararamdaman ko ang tensiyon sa pagitan ng dalawa. Para bang may pinag-uusapan ang mga ito gamit ang mga mata lang nila.

Nasa ganoong sitwasyon sila nang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Nurse Joy na hindi magkandaugaga sa bitbit nitong mga plastik na alam kong pagkain.

“Kainan na!” ngiting-ngiti na saad ni Nurse Joy pero naglaho ‘yon nang masalubong nito ang tingin ni Torn.

“He.He.He.He naistorbo ko b-ba kayo?”

Tumikhim ako. “N-Nurse Joy buti dumating ka na. Gutom na ako eh.”

Paglingon ko sa dalawa ay tumayo ang mga ito at kinuha ang dala ni Nurse Joy. Inaasahan kong maririnig ko ang pagrereklamo ng mga ito dahil sa mga pagkain na binili ni Nurse Joy pero tahimik lang ang mga itong kumain. Hindi ko na pinansin ang mga ito at kumain na rin.

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now