Chapter 93: One Day Happiness (Part Three)

31.8K 998 146
                                    

SPRING's POV

How to avoid a conversation that could ruin our day?

I'm hoping that there would be someone who can do that for me, right now.

Tumikhim ako at iniwas ang tingin kay Torn. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o kung may dapat pa ba akong sabihin sa kanya. Ayoko na siyang masaktan pa sa kung anumang mga salitang masasabi ko. Dahil doble ang epekto noon sa akin.

Sa pag-iwas ko ay kumunot ang noo ko nang makita ang dalawang bata na dumadaan sa gilid ng hardin. Palinga-linga ang tingin ng batang lalaki hanggang magtagpo ang tingin naming dalawa. Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na hinila ang kasamang batang babae.

Kinabahan ako kaya lumingon ako ka Torn na nagtatakang nakatingin sa akin.

"What--"

Hindi na natapos ni Torn ang sasabihin niya nang mabilis ko siyang iniwan at hinabol ang dalawang bata. Napahinto ako sa paghabol sa kanila nang maramdaman ang kirot sa dibdib ko. Napahawak ako roon at napangiwi.

"Are you okay?"

Lumingon ako at tumango kay Torn na sumunod pala sa akin. Umayos ako ng tayo para mas lalo siyang makumbinsing ayos lang ako. Muli sana akong tatakbo nang hawakan niya ang palapulsuhan ko.

"Stay there, ako na lang ang hahabol sa kanila..." pagturo niya sa mga batang malapit na sa gate ng ampunan.

Hindi na ako nakasagot nang mabilis siyang tumakbo papunta sa direksyon ng dalawa. Nakahinga ako nang maluwag nang maabutan niya ang dalawa.

"Sino ka ba?! Bitiwan mo 'ko!" sigaw ng bata kay Torn nang makalapit ako sa kanila.

"Janjan, n-natatakot  ako..."

Lumapit ako sa batang babae na nagtatago sa likod ng batang lalaki na Janjan pala ang pangalan. Hindi namin sila nakita ni Torn kanina.

"Anong pangalan mo?" tanong ko at lumuhod sa harap ng batang nakabandana at maputla pero hindi noon naikukubli ang ganda ng bata.

"J-Jea, a-ako po si Jea..."

Ngumiti ako at hinaplos ang pisngi ni Jea. "Huwag kang matakot, hindi naman namin kayo sasaktan. Ako si Ate Spring at siya naman si Kuya Torn, bisita kami nila Sister." pagpapaliwanag ko. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang nawala ang takot sa mga mata ni Jea.

Nilingon ko ang kasama niyang bata na masama pa rin ang tingin at tila papaiyak na.

"Ikaw? Anong pangalan mo?" tanong ko kahit narinig ko na ang pangalan niya kanina.

"Janjan!" pagalit niyang sagot na ikinatawa ko.

"Saan kayo pupunta?" pagsingit ni Torn. Tumayo ako at mabilis na yumakap sa bewang ko si Jea na saglit kong ikinagulat.

"Wala na po kayo roon!"

Tumawa si Torn at ginulo ng buhok ni Janjan.

"Ate Spring? Isusumbong ninyo po ba kami kina Mother? Please po huwag na po, gusto lang naman po ni Janjan na dalhin ako sa perya sa bayan."

Tila hinaplos ang puso ko nang makita ang nagsusumamong mukha ni Jea.

"KAMI na pong bahala sa kanila, Mother..."

"Salamat kung ganoon, pagpasensyahan mo na lang si Janjan kung nagsusungit sa inyo, ganyan talaga ang batang 'yan pero mabait 'yan at hindi pinapabayaan ang kapatid niya. Pero Spring, kung nakita ninyong pagod na si Jea umuwi na kayo kaagad."

"Sige po Mother..."

Matapos kong kausapin at ipagpaalam ang mga bata kay Mother ay pinagmasdan ko si Jea na komportable nang nagpabuhat kay Torn. Puno nang pagkasabik ang mukha niya habang tinuturo ang mga nakikita sa perya.

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora