Chapter 73: Hurricane Thoughts.

44.3K 1.5K 172
                                    

HURRICANE's POV

"Motherf*cker! Shit Light, dahan-dahan naman--aray!" Sinamaan ko ng tingin ang maldita kong kapatid na lalong diniinan ang pagkakalagay ng bulak sa gilid ng labi ko.

Brutal talaga. Nasa sala kami at kanina pa niya pinanggigilan ang paggagamot sa mukha ko.

"Shut up! Kasi inis na inis ako sa inyong dalawa ngayon at pinagsisisihan ko na isinama ko pa kayong dalawa rito!" Sigaw niya at kung naiba-iba lang ang pagkakataon ay pinagtawanan ko pa siya dahil sa inis na inis niyang mukha.

Pero wala ako sa mood na matawa sa hitsura ni Light.

Nang matapos lagyan ng band-aid ang gilid ng kilay ko ay lumayo siya sa akin at lumipat sa kabilang sofa kung nasaan ang kakambal kong panira sa buhay ko.

"I'm fine Light, there's no need--"

"Fine? Really?"

Natawa ako nang diinan ni Light ang gilid ng labi nito na naging dahilan para mapamura si Torn.

Ganyan nga Light. Nice move.

"Tinatawa-tawa mo diyan?" Maangas na saad sa akin ng kakambal ko.

"Ba't ang angas mo?" Saad ko sabay tayo.

"I said enough! Kapag hindi pa kayo tumigil na dalawa isasama ko kayo sa Germany and trust me, I can do that!"

Hindi ako nagdududa sa kakayahan ni Light kaya muli akong naupo. Wala akong planong pumunta sa Germany. I don't want to be an underdog to our parents and grandfather.

"I'm out of here." Saad ko at akmang tatayo na sana.

Hindi ako dapat nandito. I need to talk to Spring.

"No! Mag-uusap tayong tatlo kaya diyan ka lang!"

Inis akong muling naupo. Napangiwi ako nang maramdaman ang pananakit ng likod ko. Masyadong malakas ang pagkakabagsak ko kanina kaya hindi na ako magtataka sa sakit na naramdaman ko.

Sumandal ako sa sofa at pumikit.

Sa pagpikit ko ay naalala ko ang naganap kanina.

"I think I'm falling for you... "

I confessed.

I kissed her.

And then she cried.

Inuna ko na naman ang emosyon ko. Sapat na ang mga sinabi ko hindi ko na dapat siya hinalikan pa. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko, it's as if everything went blank and all I want to do was to kiss her.

Kung hindi pa siya umiyak malamang ay mas pinalalim ko ang halik na iyon.

Malamang kung nangyari 'yon, baka ako mismo ang sumapak sa sarili ko.

Galit kaya siya sa akin?

Ayaw niya na ba akong makita?

F*ck! Hindi dapat ganito ang nangyari.

And it was all because of my jealousy.

It was all because of my annoying brother.

"Hurricane!"

I snapped out from my reverie when I heard Lights' irritating voice.

"What?!"

Tumikhim ako nang sinamaan ako ng tingin ni Light lalo na nang makita ko ang bote ng alcohol na malapit dito. Knowing her, malamang ay ibabato niya sa akin 'yon.

Umayos ako ng upo at dumekwatro.

"What?" Mahinahon ko nang saad.

Malalim na bumuntong-hininga si Light at pinamewangan ako.

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now