Chapter 48: Charm and Cane?

48.7K 1.4K 111
                                    

SUNDAY MORNING ...

Nagising ako sa malakas na tunog mula sa cellphone ko. Inaantok kong sinagot ang tumatawag sa akin.

"H-Hello..."

"ATE!"

Hindi ko na kailangan pang tingnan kung sino ang tumawag sa akin. Sa tinis pa lang ng boses niya ay alam ko na kung sino.

"Good morning, Vannie..."

"Ate! You're a model?!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Model? Ako? Kailan pa?

"Vannie...I'm still sleepy. Nanaginip ka ba? Paano naman akong magiging mo...del? Model?! What do you mean?!"

Mabilis na nawala ang antok ko at napabangon ako mula sa pagkakahiga nang maalala ang nangyari isang linggo na ang nakakaraan.

Nagmodel ako. Oo nga pala. Kasama ko sina Torn at Cane.

Napublish na?!

Napahampas ako sa noo ko. Ano pang mukha ang ihaharap ko nito pagpasok?

Dapat ba akong matuwa na walang pasok bukas ang HU dahil sa may mga meeting ang lahat ng professors.

"Ate! It's really you right?! I saw you in a magazine...and... and..."

I'm ugly?

"—and you're so beautiful! Waaahhhhhhh, you're so lucky Ate, partner mo pa si Torn! Huhuhuhuhuhu! You look good together."

Napangiwi ako sa sinabi niya. "It's just a one-time modelling! I didn't have a choice. Kailangan ko kasing tulungan si Light—"

"Light?! 'Yung Ate nila Torn na pumunta kahapon?! You're really close with them, Ate?"

Malalim akong napabuntong-hininga. Baka mag-init na ang cellphone ko ay hindi pa din matapos ang mga tanong ni Vannie sa akin.

"Vannie, sa Tuesday na lang tayo m-mag-usap. M-medyo masama k-kasi ang pakiramdam ko..."

The best way to escape is to lie. Hopefully, mapaniwala ko ang kausap ko.

"Oh my gosh Ate! You're sick?! I'm sorry! Kinukulit pa kita and you're sick pala. I understand, hindi mo rin naman kailangan mag-explain sa akin. Sorry talaga Ate."

Naguilty naman ako sa boses niya.

"No need to be sorry Vannie, I promise, kukuwentuhan kita kapag nagkita tayo sa Tuesday."

"Sorry again, Ate. Drink a medicine Ate and get well soon."

Pagkababa ko ng tawag ay nanghihina akong napahiga sa kama. Now, what should I do? Malamang ay hot issue na naman ako nito.

Frustrated with the thought, naisipan kong matulog na lang ulit.

NAGISING ako sa pagkalam ng sikmura ko, pagtingin ko sa orasan ay alas-onse na ng umaga. Gusto ko mang magdamag magkulong sa kuwarto ay hindi makikiayon sa akin ang tiyan ko. I felt regenerated after that long sleep. It's been a week since the last time I slept that long.

Habang naghihilamos ay muling pumasok sa isip ko ang sinabi sa akin ni Vannie kaninang umaga. So now what? Nakabalandra na ang mukha ko sa magazine. Ano na naman kayang masasamang salita ang ipupukol sa akin ng mga estudyante sa HU?

I think I should see it for myself. I fixed myself and decided to go to the mall.

Hindi pa ko tuluyang nakakalabas ay malakas na tumunog ang cellphone ko na ikinagulat ni Kitty na nakahiga roon.

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now