Chapter 64: Do you like him?

54.1K 1.5K 286
                                    

SPRING's POV

Nasaan ka na ba Hurricane?!

Sa isip-isip ko habang inaalalayan ako ni Torn na humiga sa kama ko. Nang mamalayan namin na wala na si Cane sa rooftop ay umalis na kami roon at hinanap sa hospital ang kapatid nito pero parang bula na naglaho si Hurricane. Hindi rin ito sumasagot sa tawag ni Torn.

“Chill. You look so tense.”

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Torn. Hanggang sa tumalikod ito at nahiga sa sofa ay nawalan ako ng imik. Pipikit na sana ako nang pumasok si Dra. Mendez. Napatingin ako kay Torn na bumangon at muling naupo.

“How’s your wound, Spring?” Nakangiting tanong nito.

Ngumiti ako. “Masakit pa rin po pero hindi na po katulad last week.”

“That’s good to hear. Wala ring problema ang mga lab results mo. So by Saturday, pwede ka nang lumabas ng hospital. But remember na may mga check-ups ka pa rin huh?”

Chineck nito ang vital signs ko at maging ang sugat ko. Nailang ako dahil nasa paligid namin si Torn though nahaharangan naman ito ni Doktora.

“You’re really a fighter, Spring.” Saad nito. Alam din kasi nito ang operasyon na isinagawa sa akin noong bata pa ako.

“Boyfriend mo?”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito pagkaayos nito ng lab gown ko.

“PO?!”

“Siya?” tinuro nito si Torn na tumaas lang ang kilay. “Boyfriend mo?”

Umiling-iling ako. “Hindi po!”

“Tss. Parang diring-diri ka sa ideya na girlfriend kita ah?”

Muli. Speechless na naman ako.

“Nakakatuwa kayong dalawa. Diyan naman nag-uumpisa ang lahat sa patanggi-tanggi.” Nanunudyong saad ni Doktora.

Naramdaman kong namumula ang magkabila kong pisngi.

“May mair-refer ka bang psychiatrist for her?”

Natigil sa pagtawa si Doktora sa tanong ni Torn. Napatingin ako rito at nagtaka sa sinabi nito.

“Psychiatrist?”

“Seems like nagka-trauma siya dahil sa nangyari sa kanya.”

Tumango-tango si Doktora. “I see. Are you willing to see a psychiatrist, Spring?” pagbaling sa kanya ni Dok.

“Hindi na po—”

“You’re not okay.”

“Hindi ikaw ako para malaman mo kung okay ako o hindi.”

Ngumisi ito. “Hindi ko kailangang maging ikaw para malaman ‘yon. May mga mata at pakiramdam ako.”

“Ooops puputulin ko muna ang LQ niyo. Spring, wala namang masama kung magpapa-psychiatrist ka. As I have said, marami talagang gun shot victims na nato-trauma.”

Hindi na ako umimik at tumango na lang. “Pag-iisipan ko po Doktora pero salamat po.”

“No problem. At huwag kang mainis sa kaibigan mo. Concern lang siya sa ‘yo.” Muling pang-aasar nito na nagpailing sa akin. Tumatawa itong umalis.

Tumingin ako kay Torn at nagtagpo ang tingin naming dalawa. “Matulog ka na.” saad nito at nahiga sa sofa. Tinalikuran pa ako nito.

Paano kong makakatulog kung tayo lang dalawa?

Ano namang problema kung dalawa lang kayo?

Magiging mahaba ang gabi kong ito.

Animnapung tupa. Animnapitong tupa. Animna—

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now