Chapter 9: She's nothing to me.

65.8K 1.9K 113
                                    

"This is all your fault, nasaktan ko tuloy si Trent dahil sa 'yo! Bakit naman kasi nakinig ako sa 'yo?! You should be thankful that we're okay now, if not I swear paliliparin kita sa Alaska!" 

I hate you. I wish I never met you. 

Aish, bakit ba kanina ko pa naririnig sa isip ko 'yan?! 

Kasalanan 'to ng babaeng Tagsibol na 'yon. 

What is it to me if she really hates me?

The feeling is mutual. I hate her too.

I hate her for being tackless.

I hate her for kicking my bæLls!

I hate her for being weak.

And I hate her 'coz she hates me.

Darn! Nasisiraan ka na ng bait Cane para isipin ang babaeng 'yon!

Napamura ako nang bigla na lang pumereno ang kapatid ko. And for the second time, nakalimutan ko na namang magkabit ng seatbelt kaya muntik na naman akong sumubsob sa dashboard kung hindi lang ako nakakapit.

Galit na hinarap ko ang demonyita kong kapatid. "What the füçk Light?! Ano na namang problema mo?!" sigaw ko sa kanya nang mapansing hindi niya kailangan pumereno dahil bukod sa nasa highway kami hindi traffic.

Tumaas ang kilay niya. "You are not listening to me." aniya at muling ipinagpatuloy ang pagmamaneho. 

Isa pang ikinaiinis ko ay muling nakuha sa akin ng kapatid ko ang susi ng kotse ko. Ika nga nito kasalanan ko kung bakit nasampal niya si Amerikanong hilaw.

Malay ko bang pinsan lang ng boyfriend niya ang Spring na 'yon.

Isinuot ko ang seatbelt, mahirap na at may topak si Light.

Kung may isang tao na may kakayahan na imanipula ako, si Light 'yon dahil isang salita lang niya sa ama namin.

Tiyak na mapapalipad ako papuntang ibang bansa. 

Gano'n katiwala ang magulang namin sa kapatid kong pagkahaba-haba din ng sungay katulad ko.

"Dahil paulit-ulit lang ang sinasabi mo. Pwede ba Light? Tigilan mo na ako."

Umismid ito. "Kung 'di ko pa alam may kinalaman ang Spring na 'yon kung bakit lumilipad 'yang isip mo. Do you know her?"

Tumikhim ako. "She's a student at Helios." 

"Duh. Of course alam ko. My boyfriend told me almost everything about her. What I mean is kilala mo ba siya personally and don't you dare deny it. Nagtagal ka kaya sa isang kwarto kasama siya." 

Nagkibit-balikat ako at hindi siya sinagot. 

Sa ikalawang pagkakataon ay muli niyang ipinereno ang kotse mabuti na lang at naka-seatbelt na ako.

"I'm waiting for your answer Cane."

'For you everything is just a game!'

'I am not your toy'

Ngumisi ako. "She's my favorite toy." 

"What?!" Napahawak ako sa tenga nang sumigaw ang kapatid ko. 

Tiningnan ko siya at maarte niyang inayos ang buhok at hinarap ako. Magsasalita na sana siya nang may bumusina sa likod namin. 

Naiinis na muli niyang ipinagpatuloy ang pagmamaneho at saglit akong nilingon. "Gosh! I can't believe it. Pati ba naman ang nerd na pinsan ng boyfriend ko pinatos mo?" 

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon