Chapter 90: Luna.

43.4K 1.3K 281
                                    

SPRING's POV

"Because right now I felt like loving you was the biggest regret I will have in my life, Spring Cruz."

Matapos niyang sabihin iyon ay tila tinulos ako sa kinatatayuan ko. Sa nanlalabong paningin ay pinagmasdan ko ang pag-alis niya at nang hindi ko na matanaw ang kotse niya ay nanghihina akong bumagsak.

What did you do, Spring?

Patuloy sa pagtulo ang mga luha ko na tila ba wala iyong katapusan.

Hurting you will forever be my biggest regret, Hurricane. I don't want us to end like this. I don't want to hurt you...I don't want to so please just forget me. It's all for the best.

"I'm sorry...s-sorry!" paulit-ulit kong saad kahit na alam kong wala na iyong silbi pa.

"Sorry..."

It was not my voice anymore.

Lumingon ako at nakita si Torn na nakatingin sa akin. Duguan pa rin ang mukha niya at hindi ko iyon kayang tingnan kaya yumuko ako. Nanghihina man ay pinilit kong tumayo. Naglakad ako papalayo sa kanya pero mabilis niyang nahawakan ang braso ko.

"H-Hindi ka dapat nandito. You should be in the clinic." Saad ko at pinalis ang kamay niya na pumipigil sa pag-alis ko.

"Come with me, kailangan mo rin—"

"Please Torn! Hayaan mo muna kong m-mapag-isa." Nanatili pa rin na nakayuko kong saad.

Tumalikod ako at sa pagkakataong ito ay hindi niya na ako pinigilan pa.

Napapiksi ako nang maramdaman na may humawak sa braso ko. "Hindi ba sabi ko sa 'yo hayaan mo—" napahinto ako sa pagsasalita nang hindi si Torn ang nalingunan ko kung hindi si Paupau.

"Pau..."

Gulo-gulo ang buhok ni Paupau at nakonsensya ko nang makita na may crack ang suot niyang salamin.

"Let's go...ihahatid na kita sa inyo."

Hindi na ako tumutol nang igiya niya ako papunta sa puwesto ng kotse niya. Wala akong lakas ng loob para tumanggi pa. Sa paglingon ko ay nakita ko si Torn na nakatingin sa aming dalawa kaya mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya.

"Here...your lip is bleeding..." pag-abot sa akin ni Paupau ng tissue habang nagmamaneho siya paalis ng HU. Tinanggap ko iyon at tila wala sa sarili na pinahid ko iyon sa labi ko.

"Where do you want to go?"

"Far. I want t-to go somewhere far away from them. Away from everyone... I want to run away... I want to forget everything that happened but it's impossible, right?" Tumawa ako kasabay nang pagtulo muli ng mga luha ko. "Argh! Bakit ba ayaw huminto ng mga luha na 'to?! Napakahina ko talaga!"

"People cry not because they're weak, it's because they've been strong for too long..."

Napatingin ako kay Paupau na ngumiti sa akin na tila ba sinasabing magiging ayos din ang lahat. "So just cry, Angel...its okay for you to cry."

Sa sinabi ni Paupau ay mas lalong bumuhos ang mga luha ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaiyak.

-----

"Angel, wake up..."

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at napangiwi ako nang maramdaman ang bigat ng pakiramdam ko. "W-Where are we?"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung nasaan kami at kung sino ang taong mabibilis ang hakbang na naglalakad papunta sa amin.

"Anong ginagawa natin dito?" kinakabahan kong saad.

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now