Chapter 34: Drag Race

51.9K 1.5K 68
                                    

SPRING's POV

"Saan ba talaga tayo pupunta?!" Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong tinanong si Cane na nagmamaneho pero ang damuho ay ngumisi lang sabay sabi na naman na...

"I said you'll know when we get there. Huwag ka ngang makulit. Natext mo na ba si Light?" tanong niya na tinanguan ko na lang.

Hindi ako makapaniwala na nagawa kong magsinungaling kay Light na may group project ako kasama si Cane para lang samahan ito sa isang lugar na tiyak kong hindi ko magugustuhan. Kapalit ng ano Spring? Nang pagsasabi niya sa 'yo ng mga pinaggagawa mo kagabi?

Seriously?! Gaano ka naman nakakasigurado na totoo ang sasabihin niya sa 'yo?

Sa naisip ay gusto kong sabunutan ang sarili ko. Oo nga naman, bakit hindi ko naisip 'yon?! Halos isang oras na kaming bumibyahe pero ngayon ko lang naisip 'yon. Pero may choice pa ba akong magback-out? Malamang wala. Dahil bukod sa natext ko na si Light. Hindi ko alam kung saan lupalop na ako ng Pilipinas dadalhin ni Cane. Kinabahan ako nang mag-umpisa kaming pumasok sa isang matalahib na lugar. Walang bahay sa paligid at ang tangi ko lang nakikita ay ang mga matataas na damo.

Darn! Saan ba talaga kami pupunta?!

Huminto ang kotse ni Cane makaraan ay ibinaba niya ang bintana sa puwesto niya. Pinanood ko kung paano siyang kumuha ng ilang lilibuhin na pera at inabot sa isang lalaki na kuntodo ngisi sa akin. Balbas-sarado at humihithit ng sigarilyo. Ito 'yung klase ng bad boy na talagang pangingilagan ng tao dahil sa hitsura nito. Napalunok ako at nanayo ang balahibo ko nang pagmasdan ako nito.

"Ayusin mo tingin mo Polo kung ayaw mong sagasaan kita nitong kotse ko." Walang emosyon ang pagkakasabi ni Cane sa lalaki na mabilis iniwas ang paningin sa akin at iniwan kami. Madilim ang mukha ni Cane nang hinarap niya ako.

"Ano bang naisip mo at iniklian mo yang palda mo? Nasaan na din ba ang salamin mo? At bakit ba hindi nakatali 'yang buhok mo?!" asik niya sa akin na ikinagulat ko.

Magsasalita pa lang sana ako nang mabilis niyang pinasibad ang kotse at pumasok sa malaking gate na kanina lang ay nakasara. Nanlaki ang mata ko nang makita ang lugar na pinasukan namin. Maraming mga tao at kahit hindi ko sila naririnig ay alam kong naghihiyawan ang mga ito habang tinuturo ang kotse ni Cane.

"It's good to be back!" hindi ko nagustuhan ang ngisi ni Cane matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. Mukhang may ideya na ako kung nasaan kami.

"A-anong ibig sabihin nito Hurricane? You're going to race?!" hindi makapaniwalang saad ko sa kanya.

"Yup." Tila tuwang-tuwa niyang saad sa akin.

Umiling ako. "NO!" sigaw ko sa kanya.

"We already had a deal." Pagbabalewala niya sa pagtutol ko.

"That's unfair because you didn't said to me that you are going to do this. Now, let's go back. I don't care kung sabihin mo man sa akin o hindi ang ginawa ko kagabi basta umuwi na tayo!"

"Shut up! Kung ayaw mo na tawagin ko si Polo at ibigay kita sa kanya!" galit ng saad niya. Napalunok ako sa kaba at nanlamig ang palad ko nang maalala ang lalaki kanina.

"Y-You won't do that." Nanginginig ang boses kong saad.

Ngumisi siya. "You don't know me, Spring..." Nilapit niya ang sarili sa akin. "I can do that. I'm a bad boy right?"

Hindi na ako nakapagsalita pa at wala na akong nagawa nang bumaba siya sa kotse. Gusto ko mang tawagan si Light pero may pumipigil sa akin para gawin 'yon. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na natulala sa loob ng kotse pero nagulat na lang ako nang biglang pumasok sa loob ng kotse si Cane.

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon