Chapter 66: Tornado (part 2)

47.3K 1.4K 157
                                    

DISCLAIMER: ANG STORYANG ITO AY PURELY FICTION. LAHAT PO NG ITO AY KATHANG-ISIP. 

Torn's POV

"They already got him."

Mabilis ang paglingon sa akin ni Cane. Nagdilim ang mukha nito at ibinalibag ang hawak nitong cellphone. Hindi ko na ito hinintay at tumalikod na ako.

May pagmamadali sa kilos akong lumabas ng mansiyon. Mabilis kong pinasibad ang kotse ko. I can't wait to see that motherf$cker. Iniisip niya bang nakatakas na siya?

Think twice bastard. We won't let you get away from this.

In just a span of thirty minutes, I arrived in an old abandoned building. 

Sa labas ay may tatlong kalalakihang nagtatawanan at may kanya-kanyang hawak na bote.

"Dude! What took you so long?" 

Hindi ko pinansin si Damien at tuloy-tuloy akong pumasok sa loob. Naramdaman ko ang pagsunod ng tatlo.

"Nasaan?" tanong ko sa lalaking nakauniporme pa talaga. Kinuha ko ang sobre sa bulsa ko at iniabot iyon dito. Malawak ang ngiti nitong itinuro ang isang nakasaradong pinto.

"Easy dude, baka hindi na nila maibalik 'yan nang humihinga pa." natatawang saad ni Gabby.

"After this, let's have some fun Torn. Tagal mo nang hindi sumasama sa amin ah." tumango na lang ako sa sinabi ni Migs. Lalo pa at isa rin ito sa tumulong para sa balak ko.

Damien, Gabby and Migs. They're my annoying friends. Simula pagkabata ay kasa-kasama na nila ni Cane ang tatlo. We don't have a f#cking name. That's not cool, lame and sounds gay.

Wala pang isang minuto ay narinig ko ang ugong ng sasakyan mula sa labas. 

"Nasaan ang tarantadong 'yon?!"

Hindi ko na nilingon ang kakambal ko at dumiretso papunta sa pinto kung nasaan ang paparusahan namin sa gabing ito.

"Diyan na lang kayo, kami ng bahala rito." narinig kong saad ni Cane pero wala na sa kanila ang atensyon ko kung hindi nasa lalaking naabutan ko na nakatali sa isang upuan. 

Tulog at walang kamalay-malay na ito ang gabing pinakahindi niya makakalimutan.

I grabbed a cigarette from my pocket and lit it. Nakangising lumapit ako sa lalaki. Hindi ko na inabala pa ang sarili ko na alamin ang pangalan niya. 

How will I wake you up, bastard...

Binugahan ko ito ng usok sa mukha. Nang hindi pa rin ito nagising ay idinikit ko ang sigarilyo sa leeg nito. Sumigaw ito nang napakalakas pero sa ginawa nito ay mas lalo akong nasiyahan kaya mas lalo kong idiniin ang sigarilyo rito.

Nang mainis sa malakas na sigaw nito ay inilayo ko rito ang sigarilyo.

"Putang!nA! Anong g-ginagawa ko rito?" 

Imbes na sagutin ito ay malakas na suntok ang dumapo sa mukha nito pero hindi galing sa akin kung hindi kay Cane. 

"Mga gago! Pakawalan niyo--"

"Masyado kang maingay!" Pinagmasdan ko lang si Cane na pinaulanan ng suntok at sipa ang lalaki na hindi magawang makalaban. Kahit na makawala pa ito sa pagkakatali imposibleng makalaban pa ito.

"This is what you get for what you did to Spring!" 

Ngumisi ang gag* kahit na hindi na nito magawang maimulat ang mga mata nito. "Tang!n@ kasing babae 'yon. M-Masyadong p-pabida--"

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now